PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yassi Pressman hesitant to accept comedy role in Kurdapya

Yassi Pressman, susubukan ang pagiging comedienne.
Published Mar 9, 2023
yassi pressman gloria romero kurdapya
Yassi Pressman (left) plays her first comedy role in the TV5 and Viva Television sitcom Kurdapya, based on the 1954 movie starring legendary actress Gloria Romero (right).
PHOTO/S: Viva Television / Sampaguita Pictures

Pamilyar na pamilyar ang Filipino senior citizens sa Kurdapya, ang pamagat ng sitcom ng TV5 na pinagbibidahan ni Yassi Pressman at mapapanood simula sa March 18, 2023.

Kurdapya rin ang titulo ng black-and-white movie na pinagbidahan ni Gloria Romero sa Sampaguita Pictures noong 1954.

Si Pablo S. Gomez ang sumulat ng kuwento ng Kurdapya na isang nobela sa komiks na sinubaybayan ng ating mga kababayan.

Dalawampu’t isang taon ang edad ni Gloria noon nang gampanan nito sa Kurdapya ang kambal na karakter nina Alicia at Chona.

Sina Ramon Revilla Sr. at Ric Rodrigo ang leading men ni Romero sa pelikulang ipinalabas sa mga sinehan noong December 31, 1954.

Eighty-nine years old na ngayon na si Gloria.

kurdapya poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa 2023 television version ng Kurdapya, Kuring at Daphne ang mga pangalan ng may ginintuang puso at spoiled brat na karakter, respectively, ni Yassi.

Sina Marco Gumabao at Nikko Natividad ang kanyang mga kapareha.

Ipinagmalaki ni Nikko na gaganap itong mayaman sa kauna-unahang pagkakataon, at tambay naman ang papel na gagampanan ni Marco na binigyang-buhay noon sa Kurdapya ng tatay ni Senator Bong Revilla Jr.

Ang Kurdapya ang unang sitcom ni Yassi, pero nagdalawang-isip daw siyang tanggapin ang proyekto dahil hindi niya linya ang pagpapatawa.

“To be honest, sinabi ko po na kung puwede na pag-isipan ko muna? Kasi kinakabahan po ako dahil sa pressure at hindi ko po yata yon forte. Sabi ko, ‘Kaya ko ba?’

“Sinabi nila, subukan na lang daw kaya tineyk ko naman po yung challenge,” sabi ni Yassi.

Hindi itinanggi ng aktres na medyo nahirapan siya sa dalawang karakter niya sa Kurdapya.

Bilib na bilib ang direktor ng Kurdapya na si Easy Ferrer sa mga artista niya sa sitcom na co-production venture ng TV5 at ng Viva Television.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magaling sila. Alam nila kung ano yung materyal. Alam nila kung ano yung gagawin, lalo na si Yassi. Sobrang bigay na bigay. Nagugulat ako sa kanya.

“Pati si Marco, basag na basag siya dito. Well, si Nikko naman, alam natin na magaling at guwapo siya.

“At siyempre, si Miss Ryza [Cenon], nagbigay rin ng comedy na kakaiba,” pahayag ni Ferrer sa media conference ng Kurdapya na naganap ngayong Huwebes ng hapon, March 9, 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman (left) plays her first comedy role in the TV5 and Viva Television sitcom Kurdapya, based on the 1954 movie starring legendary actress Gloria Romero (right).
PHOTO/S: Viva Television / Sampaguita Pictures
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results