PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ayanna Misola, "retokadang" version ni Alma Moreno

Boses ni Alma Moreno, ginamit na speaking lines ni Ayanna Misola sa Salamat Daks
by Jojo Gabinete
Published Mar 9, 2023
ayanna misola alma moreno salamat daks
Ayanna Misola (left) on Alma Moreno (right): “Hindi ko naramdaman ang age difference namin kapag nagkukulitan kami, pero siyempre, hindi nawawala ang respeto ko sa kanya. Super down-to-earth siya at walang kaere-ere. Sobrang na-enjoy ko po na maka-work siya, lalo na yung time na nag-dubbing siya ng lines ko. Sobrang nakakataba ng puso."
PHOTO/S: Vivamax

Ang bumatang karakter ni Alma Moreno dahil nagparetoke ng katawan ang ginampanan ni Ayanna Misola sa Salamat Daks, ang Vivamax sexy-comedy movie na pinagbibidahan nila ni Nikko Natividad.

Para maging makatotohanan ang kanyang mga eksena, ang boses ni Alma ang ginamit sa speaking lines ni Ayanna kaya ang veteran actress at hindi ang sexy star ang nahirapan sa dubbing.

Kuwento ni Ayanna, “Nahirapan po si Tita Alma pero na-enjoy niya ang bawat eksena na nag-dub siya.

“Kasama sa story na hindi nagbago ang boses ko dahil hindi naman daw nagbabago ang boses kapag nagparetoke.

“Sobrang saya ko po nang makita ko ang reaction niya lalo na sa mga eksena ko.”

Ang Salamat Daks ang ikatlong beses na nakasama ni Ayanna si Alma sa pelikula, pero ngayon lamang umano niya nakilala nang husto ang aktres na kinikilala bilang Ultimate Sex Symbol noong dekada ’80.

Read: Throwback photos ni Alma Moreno, “highly collectible” sa mga tito

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s my third time working with Tita Alma at ngayon ko lang po talaga siya nakilala nang husto," sabi ni Ayanna.

“Ngayon lang kami nagkasama nang matagal. Aside from being so professional, she’s so fun to be with.

“Hindi ko naramdaman ang age difference namin kapag nagkukulitan kami, pero siyempre, hindi nawawala ang respeto ko sa kanya.

“Super down-to-earth siya at walang kaere-ere. Sobrang na-enjoy ko po na maka-work siya, lalo na yung time na nag-dubbing siya ng lines ko.

"Sobrang nakakataba ng puso."

Propesyunal din ang pagsasalarawan ni Ayanna kay Nikko, na nakatrabaho niya sa unang pagkakataon sa Salamat Daks kaya hindi naiwasan na makaramdam sila ng pagkailang sa isa’t isa sa kanilang mga maiinit na eksena.

Read: Nikko Natividad, totoo bang "virgin" sa halikan at paghuhubad on-screen?

Kuwento ng sexy star, “Sobrang gaan na katrabaho ni Nikko. Makulit siya pero very professional.

“Nakita ko kung gaano siya ka-eager na matutuhan na ma-execute ang steamy scenes namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“First kiss daw niya sa pelikula kaya medyo conscious siya.

“Same with me. First comedy movie ko ang Salamat Daks kaya very conscious din ako during the shoot,” kuwento ni Ayanna tungkol sa pelikula nila nina Alma at Nikko na mapapanood simula bukas, March 10, 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayanna Misola (left) on Alma Moreno (right): “Hindi ko naramdaman ang age difference namin kapag nagkukulitan kami, pero siyempre, hindi nawawala ang respeto ko sa kanya. Super down-to-earth siya at walang kaere-ere. Sobrang na-enjoy ko po na maka-work siya, lalo na yung time na nag-dubbing siya ng lines ko. Sobrang nakakataba ng puso."
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results