Personal na nakilala ni Kylie Verzosa ang Hollywood action star na si Steven Seagal nang dumalo siya sa Distinctive International Arab Festivals ng Dubai noong December 2022.
Ang former Miss International ang nanalong best actress para sa kanyang mahusay na pagganap sa Philippine adaptation ng The Housemaid.
Read: Kylie Verzosa nagningning bilang Best Actress sa Dubai
Sa media conference ng upcoming movie nila ni Marco Gumabao, ang Baby Boy Baby Girl, na ginanap noong Martes, March 7, 2022, tinanong si Kylie tungkol sa pagkikita nila ni Steven.
Lahad ng beauty queen-actress, “It’s so funny. We were on the same table as Steven Seagal.
"So, may isang tao na nagpakilala, tinanong kung sino siya.
“Nahiya naman ako because that’s Steven Seagal, di ba? Sabi ko, ‘Hi Sir Steven Seagal, my name is Kylie and I’m from the Philippines.’
“‘Ah, Kylie,’ nagkuwento siya, ‘I’m always there.’
“Hanggang sa nakipag-friends na siya. Minsan tinatawagan niya ako… joke lang, pero naging friends kami.”
Ayon kay Kylie, may komunikasyon pa rin siya kay Steven hanggang ngayon.
“Nasira niya yung walls ko, we have a good friendship. Once in a while, nagte-text kami.
“I-invite ko kaya siya sa premiere night? 'I have this movie, Sir Steven. We have Baby Boy Baby Girl? Can you be my… I can be your baby girl.' Hahaha!
“Mabait siya, mabait siyang tao,” natawang sabi ni Kylie.
Tanggap ni Kylie na nawawala ang "wall" niya kapag kumportableng-komportable na siya sa mga tao sa paligid kaya lumilitaw ang tunay na ugali niya, tulad ng kanyang karakter sa Baby Boy Baby Girl.
“Kasi ako, kapag hindi ko talaga kilala yung mga tao, takot ako, like I’m scared to open up because I don’t know if you guys will like me.
“So, takot ako minsan mag-open up.
"But once I get my walls down and once na I feel comfortable with you guys, I really be my full self.
"And ang feeling ko, yun po ang makikita ninyo sa movie, yung without walls. Yung ako lang.
"Kasi to be honest, as a person, I really let my walls down and let my doors down, tapos I’m all yours!
“I’m all yours, pero siyempre, as dalagang Pilipina tayo, may pagka-conservative pa naman tayo. Dalagang Pilipina muna tayo, tapos after, dun na tayo magpapakita pero dahan-dahan.
"As a dalagang Pilipina dapat lagi ang atake!" natatawa pa ring sabi ni Kylie.
Si Jason Paul Laxamana ang sumulat ng kuwento at direktor ng Baby Boy Baby Girl, na maihahalintulad sa romantic-comedy movie genre na pinagbidahan noon nina Cameron Diaz at Julia Roberts.
Ibang Kylie ang mapapanood sa Baby Boy Baby Girl dahil pinatunayan ng dating beauty queen na may talent din ito sa pagpapatawa.
Malayo ito sa mga karakter na kanyang ginampanan sa mga nakaraang sexy, drama, at thriller movie projects niya.