#EatBulagaWar
“No. Not true, for the record po.”
Ito ang pagtutuwid ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos, tresorero ng TAPE Incorporated.
Kumalat ang hindi kumpirmadong balita na gusto ng kanyang ama, si former House Representative Romeo Jalosjos Sr., na ang Wowowin host na si Willie Revillame ang ipalit kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sakaling umalis ang tatlo bilang hosts ng Eat Bulaga!.
Read: Romy Jalosjos children in, Tony Tuviera out sa TAPE; Tito, Vic & Joey, aalis na sa Eat Bulaga?
Nadawit ang pangalan ni Willie dahil sa isang online report na sinusuyo raw siya ni Jalosjos Sr. para maging host ng Eat Bulaga!
Samantala, walang kamalay-malay at lalong walang kinalaman si Willie sa mga isyung kinasasangkutan ng seasoned hosts ng Eat Bulaga!.
Read: Willie Revillame, nadadawit sa isyung rebranding ng Eat Bulaga!; napipisil umano na pumalit sa TVJ?
Sa paglilinaw na ginawa ni Mayor Jalosjos, napatunayang imbento lamang—sa madaling salita, FAKE NEWS—ang kumalat na balitang nagsangkot kay Willie.
Matagal nang nananahimik si Willie buhat nang magkaroon ng sariling usapin ang mga programang pansamantalang ipinahinga ng ALLTV management. Kasama rito ang Wowowin ni Willie.
Read: Willie Revillame laments netizens' reaction to news about ALLTV
Sa kasamaang-palad, may mga kababayan tayong kinagat ang fake news.
Lalo na't nag-circulate sa social media ang poster na may larawan ni Willie at ng ibang personalidad na makakasama niya umano sa bago umanong noontime show ng TAPE Inc., na binigyan pa ng pamagat na Wow Bulaga.

Nakaupo si Mayor Jalosjos sa board ng TAPE Inc. bilang treasurer.
Sa mensaheng ipinadala niya sa Cabinet Files noong Lunes, Marso 6, 2023, sinabi nitong magpapatawag sila ng media conference para ilahad ang mga pagbabagong mangyayari sa Eat Bulaga! at sa pamunuan ng TAPE.
Isang board meeting ang naganap kahapon, March 6.
Ayon kay Mayor Jalosjos, “We will have a presscon soon and answer all issues facing the company.
“At the same time, present a new format na mangyayari as agreed [upon] by all the executives.”
Read: Mayor Bullet Jalosjos, sasagutin lahat ng isyung kinahaharap ng Eat Bulaga!