PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Escalator Incident at SM City Santa Rosa

SM City Santa Rosa issues statement after escalator incident
by Jojo Gabinete
Published Mar 6, 2023
sm city sta. rosa escalator incident
PHOTO/S: Facebook

Naghatid ng trauma sa tatlong anak nina Gretchen Rosal Manaig, 34, at Jerald Manaig, 31, ng Calamba City ang freak accident na nangyari sa kanila sa isang mall sa Santa Rosa, Laguna, kahapon, March 5, 2022.

May edad na lima, anim, at 12 ang mga anak nina Gretchen at Jerald na nasugatan nang madaganan sila ng mga taong nawalan ng balance mula sa paakyat na escalator ng mall na biglang umandar pababa.

“Hindi po namin talaga alam ang dahilan dahil po sa sobrang bilis ng mga pangyayari,” pahayag ni Gretchen sa panayam sa kanya ng Cabinet Files ngayong Lunes ng hapon, March 6, tungkol sa aksidenteng naranasan nila ng kanyang pamilya.

Ayon kay Gretchen, bandang alas-singkang hapon at isang normal na araw na Linggo na maraming tao sa mall nang maganap ang freak accident.

Si Gretchen, ang kanyang asawa, at tatlong anak ang pinakahuli sa mga aakyat sa escalator na paakyat, pero bigla itong umandar nang paatras at pababa kaya nahulog ang ibang mga pasahero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagkakatanda ni Gretchen, nadaganan sila ng walo hanggang sampung tao na dahilan para masugatan ang kanyang asawa at ang mga anak nila.

Nagdulot ng trauma sa mga bata ang freak accident dahil ayaw na nila umanong pumasok sa mall at sumakay sa escalator.

sm city santa rosa incident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw na nakunan ng video ang buong pangyayari na nag-viral ngayon sa social media. Nalaman lang ni Gretchen na may kumalat na video nang i-tag siya ng kanyang mga kakilala.

Hindi naman nagpabaya ang SM City management dahil sila ang nagdala sa mga biktima sa Marian Hospital at hanggang ngayon, tinututukan nila ang kalagayan ni Gretchen at ng pamilya nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tinulungan po nila kami sa medical expenses at kinukumusta nila kami.

“Hindi pa po namin alam ang dahilan sa nangyari sa escalator dahil pinagmi-meetingan pa po nila,” ani Gretchen.

Isang opisyal na pahayag ang inilabas ng management ng SM City Santa Rosa City tungkol sa escalator malfunction na kanilang patuloy na iniimbestigahan.

Nakasaad dito: “An incident happened in one of our escalators in SM City Santa Rosa.Our emergency response team was immediately on site and has taken all concerned customers to the hospital to have them properly examined.

“The area has been properly secured and a thorough investigation into the matter is already ongoing.”

sm city statement

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results