Hindi inaamin ng controversial showbiz personality ang pagkakaroon nito ng anak bago pa siya pumasok sa showbiz.
Pero tila wala sa kanyang planong ilihim nang matagal ang katotohanan.
Nakita ng showbiz personality ang potensyal ng kanyang anak na maging artista dahil sa murang edad, marunong nang umarte ang bata.
Hindi ito nakapagtataka dahil may pagmamanahan — ang isang miyembro ng pamilya nilang umasok sa entertainment industry noong dekada ’90.
Tiyak na susundan ng bata ang yapak sa showbiz ng kanyang mga kamag-anak dahil isinali siya ng kanyang magulang sa isang talent search competition.
Imposibleng hindi maungkat ang kuwento ng buhay ng bata kapag ipinakilala na siya bilang isa sa mga kalahok ng talent search na pinagsalihan sa kanya ng showbiz personality.
Sa mga nakaraang panayam sa showbiz personality, paulit-ulit nitong sinasabi na hindi siya sinungaling.
Masusubukan ito kung aaminin niya sa publiko ang pagkakaroon ng itinatagong anak kapag nag-umpisa nang mapanood sa telebisyon ang talent search competition.
Blind items:
- Male TV personality, pinararatangan ng sexual harassment dahil sa panghihipo sa mga babae
- Aktres, tinanong ang dating karelasyong aktor tungkol sa pagkaka-link nito sa kapwa lalake
- Magandang aktres, ni-reject ang marriage proposal ng international singer
- Ina Raymundo on young star with bad manners: "Tumatak talaga sa akin..."