PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bela Padilla Returns to GMA-7 at Machete Statue

Bela Padilla, hindi naninigaw sa set bilang director.
by Jojo Gabinete
Published Mar 4, 2023
Bela Padilla
Ikinatuwa ni Bela Padilla ang pagbisita sa studio ng GMA-7 na dati niyang home network. Live ang guest appearance niya sa Fast Talk With Boy Abunda, kunsaan nagkuwento siya na sa karanasan niya bilang director ay hindi siya naninigaw sa set.
PHOTO/S: Ivan Damian of Fast Talk / Screengrab from GMA-7

Makalipas ang siyam na taon, muling tumuntong si Bela Padilla sa bakuran ng GMA-7 para sa live guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda, nitong Biyernes ng hapon, March 3, 2023.

Hindi napigilan ni Bela ang sarili na magpakuha ng litrato sa tabi ng kahoy na estatwa ni Machete na naka-display sa Kapuso Network lobby.

Si Bela ang leading lady ni Aljur Abrenica sa defunct Kapuso drama-fantasy series, na umere mula January 24, 2011 hanggang March 18, 2011.

Aljur Abrenica and Bela Padilla in Machete

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa nalilimutan ni Bela ang bawat sulok ng GMA Network Center building dahil natatandaan niya ang lugar na pinagdarausan ng mga press conference sa 17th floor.

Natawa siya nang magkuwento tungkol sa diumano’y multo sa elevator habang sinasariwa ang kanyang masasayang araw bilang Kapuso star.

Maraming nangyari sa buhay at career ni Bela buhat nang umalis ito sa bakuran ng GMA-7 noong 2015. Mula 2015 hanggang 2019 ay napanood siya sa mga serye ng ABS-CBN.

Nasa pangangalaga si Bela ng talent management company na Viva Artists Agency; at sa mga nakalipas na taon ay naranasan niya maging producer, scriptwriter, at director ng mga pelikulang pinagbidahan niya.

Ngayong 2023, kalahok sa first Summer Metro Manila Film Festival ang Yung Libro Sa Napanood Ko, ang pelikula tampok si Bela at Yoo Min-Gon.

Tatakbo ang Summer MMFF 2023 mula April 8-18, kaya matatagalan pa ang pananatili sa Pilipinas ng London-based actress.

Sa panayam ni Boy, ibinahagi ni Bela na hindi siya nagagalit o naninigaw sa set ng mga pelikula na ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lahat naman tayo may nakatrabaho na mga naninigaw sa set. Nararamdaman mo na galit na galit, so ikaw hindi ka makaarte kasi takot na takot ka na, e.

"Or yung tao na napagalitan sa set, hindi na makatrabaho nang maayos for the rest of the day kasi napapahiya so ayokong-ayoko na may nasisigawan sa set," ang sabi ni Bela.

Gustong-gusto si Bela na katrabaho ng production crew at mga kapwa niya artista dahil mahusay daw siya sa pakikisama.

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinatuwa ni Bela Padilla ang pagbisita sa studio ng GMA-7 na dati niyang home network. Live ang guest appearance niya sa Fast Talk With Boy Abunda, kunsaan nagkuwento siya na sa karanasan niya bilang director ay hindi siya naninigaw sa set.
PHOTO/S: Ivan Damian of Fast Talk / Screengrab from GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results