Tiniyak ng comedienne na si Herlene Budol ang pagsali niya sa 2023 edition ng Miss Grand Philippines, ang beauty pageant na magaganap sa Mall of Asia Arena sa June 2, 2023.
Kung papalarinng mapanalunan ang Miss Grand Philippines title, si Herlene ang magiging opisyal na kinatawan ng ating bansa sa Miss Grand International na idaraos sa Ho Chi Minh City, Vietnam, sa October 25, 2023.
Si Herlene ang 1st runner-up sa Binibining Pilipinas noong 2022. Pero ayon sa kanya, napilitan lamang siyang sumali noon dahil sa kagustuhan ng manager niyang si Wilbert Tolentino.
Read: Herlene Budol vows Binibining Pilipinas 2022 to be her last
Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes ng hapon, February 28, 2023, sinabi ni Herlene na siya na mismo ang may kagustuhang lumahok sa Miss Grand Philippines dahil nais niyang pasayahin si Wilbert.
“Kung ako ang tatanungin, Tito Boy, gusto ko yung gusto ng manager ko naman, so sasali po ako.
“Nung Binibini po, totally hindi ko po talaga gustong sumali. Siya lang po yung nag-motivate sa akin. Nakita niya po yung potensiyal ko daw po,” sabi ni Herlene.
"Tinupad niya yung mga pangarap ko—magkaroon ng bahay, sasakyan, mapagamot yung lolo ko, pati yung burol ng lola ko, sinagot niya.
“So, yung kaligayahan naman po ni Sir Wilbert ang gagawin ko, which is kaligayahan ko din po ngayon, ‘yung mapasaya ko naman siya.”
Read: Herlene Budol proudly shows "Budol residence" to family
Ayon kay Herlene, kapal lamang ng mukha ang puhunan sa pagsali sa mga beauty pageant dahil tanggap niya ang kawalan ng talent.
“Kapal po ng mukha. Yun po talaga ang number one puhunan ko sa buhay. Wala po akong kahit anong talent, kapal lang po ng mukha. Bibihira po yon, yung talent na yon,” pahayag ni Herlene.
Isa-isang pinasalamatan ni Hrlene ang mga taong bahagi ng kanyang tagumpay at mga grasyang tinatamasa sa kasalukuyan.
“Maraming-maraming salamat po, unang-una, siyempre sa Panginoon.
"Pangalawa, sa buong pamilya ko, lalung-lalo na sa lola’t lolo ko.
“Nanay, ako na ang bahala sa buong pamilya natin. Hinding-hindi ko sila gugutumin. Mahal na mahal ko sila.
"At siyempre, Tatay Oreng, shout out sa yo! Magpagaling ka diyan! Huwag mong hihilahin yung catheter mo!
“Kasi naka-catheter po siya, inoperahan po siya. Tatay, mahal na mahal kita. Tatay, magpalakas ka. Kumain ka nang madami. Huwag lang maalat.
“Siyempre, sa Papa ko sa showbiz, si Kuya Wil [Willie Revillame]. Kuya Wil, maraming-maraming salamat po.
"Kay Sir Wilbert Tolentino po dahil napunta ako sa tamang tao."