Ipinagdiwang kagabi, February 17, 2023, ni Senator Jinggoy Estrada ang kanyang 60th birthday sa The Tent ng Solaire Resort & Casino sa Pasay City.
Pero imbes na tumanggap ng regalo, hiniling niya sa kanyang mga bisita na magbigay na lamang ng donasyon sa Saludo Sa Kawal Pilipino Foundation.
Dumalo sa pagdiriwang ni Jinggoy ng kaarawan ang kanyang pamilya, malalapit na kaibigan, mga kasamahan sa Senado. Naroon din sina President Ferdinand Marcos, Jr. at Vice-President Sara Duterte.

Nagtanghal ang Concert King na si Martin Nievera na inawit ang kanyang mga popular na kanta gaya ng "Ikaw Ang Lahat sa Akin" at "Be My Lady."
Magkakasama sa isang production number sina Hajji Alejandro, Rey Valera, Marco Sison, at Nonoy Zuniga.
Nag-alay rin ng kanta kay Estrada ang kanyang mga matatalik na kaibigan: sina Senator Bong Revilla, Lani Mercado, Phillip Salvador, Amy Austria, Ricky Davao, Ali Sotto, Isabel Rivas, Marissa Sanchez, Bayani Agbayani, Lorna Tolentino, at Senator Robin Padilla.

Si Giselle Sanchez ang host ng programa.
Nagpakitang-gilas naman sa pagkanta at pagsayaw ang mga kapatid ni Estrada, sina Jackie, Jerika, Jake, Jacob at Jojo.
Kumpleto sa naganap na pagdiriwang ang pamilya ni Estrada. Naroon ang kanyang asawa na si Precy at ang kanilang mga anak.
Present sa okasyon ang mga magulang niya na sina former Philippine President Joseph Estrada at former Senator Luisa Ejercito.
Naroroon din ang kanyang half-brother na si Senator JV Ejercito na nagsabi na, "The Better One" ang may kaarawan.
Kabilang sa mga bumati kay Estrada sina former Senator Manny Pacquiao, Vhong Navarro, Chito Roño, at Edgar Mortiz.
Naroon din ang mag-iinang Annabelle Rama, Ruffa, at Raymond Gutierrez.
Bisita rin sina Senator Sherwin Gatchalian at ang girlfriend nito na si Bianca Manalo, Senator Grace Poe, Senate President Juan Miguel Zubiri, ang mag-asawa na Anthony at Rossel Taberna, at First Lady Liza Marcos.
Dumalo rin si former Senate President Juan Ponce Enrile, na nagdiwang ng 99th birthday noong February 14, pero matikas at masigla pa rin ang pangangatawan.
MORE HOT STORIES ON PEP.PH: