“I love you @jericgonzales07. Blessed to spend 2 Valentine’s dates with you.”
Ito ang sagot ni Rabiya Mateo sa deklarasyon ni Jeric Gonzales sa Instagram post ng aktor tungkol sa kanyang pagmamahal sa former Miss Universe Philippines winner.
Kumpirmasyon din itong nagkabalikan sila matapos mapabalitang naghiwalay ang dalawa noong June 2022.
Sumagot si Rabiya kay Jeric isang oras matapos nitong mag-post sa Instagram kagabi, February 15, 2023.
Mensahe ni Jeric: “Hindi pa siguro late para bumati? Happy valentine’s my love@rabiyamateo I will and always love you!”
Read: Jeric Gonzales, kinumpirmang nagkabalikan sila ni Rabiya Mateo
Nagkakilala sina Rabiya at Jeric nang magkasama sila sa isang episode ng Wish Ko Lang! ng GMA-7 noong November 2021.
Kinumpirma nila, sa pamamagitan pa rin ng mga Instagram post, ang kanilang pagkakamabutihan noong March 2022.
Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales confirm they are now a couple
Ang mga Valentine’s day celebration noong February 2022 at 2023 ang tinutukoy ni Rabiya na "two Valentine’s dates" nila ni Jeric.
Nagkaroon ng mga hinalang naghiwalay sina Rabiya at Jeric noong June 2022 dahil binura nila ang mga litratong magkasama at nag-unfollow sila sa Instagram ng isa’t isa.
Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales break up after only three months of relationship?
Pero panandalian lamang ang paghihiwalay nina Jeric at Rabiya dahil mabilis na kumalat ang balitang nagkabalikan sila matapos magkita sa GMA Gala Night noong July 30, 2022.
Read: Jeric Gonzales, tahimik lang sa balitang nagkabalikan sila ni Rabiya Mateo
Tikom ang mga bibig nina Jeric at Rabiya sa tuwing tinatanong tungkol sa naganap na pagbabalikan, pero kinumpirma ito ng aktor sa kanyang post kagabi sa Instagram, na malaki ang partisipasyon at nagsilbing “diary” ng love story nila ng former Miss Universe Philippines.
Sa isang interbyu kay Rabiya noong November 2020 tungkol sa kanyang dating karelasyon na tumagal ng anim na taon, sinabi niyang “I can make a man stay!”
Muli niya itong napatunayan nang ipagpatuloy nila ni Jeric ang kanilang relasyon makalipas ang sandaling panahong paghihiwalay.
Read: Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo confirms six-year relationship with a nurse