“Miss Universe contestants must be between the ages of 18 and 27 as of Jan. 1 in the year of they compete” ang isa sa mga patakaran ng Miss Universe Organization.
Sa kasalukuyan, 27 years old na ang Kapuso actress na si Michelle Dee kaya ito ang huling pagkakataong sasali siya sa Miss Universe Philippines.
Read: Michelle Dee, kumpirmadong sasali ulit sa Miss Universe Philippines
Si Michelle ang gumaganap sa karakter na Freya sa Mga Lihim ni Urduja, ang primetime drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa February 27, 2023.
Sa press conference na ginanap nitong Miyerkules ng hapon, February 15, sinabi ni Michelle ang mga dahilan ng kanyang desisyong muling subukan ang kapalaran sa Miss Universe Philippines.
Araw ng mga Puso, February 14, nang maghain si Michelle ng aplikasyon para sa Miss Universe 2023. Diumano, ito ang Valentine’s gift niya sa kanyang mga tagasuporta.
Pahayag niya, “Binigyan ko po ang supporters ko ng isang malaking regalo.
“Ako po ay muling nag-apply sa Miss Universe Philippines 2023.
"So, kinukuha ko na rin po ang pagkakataon to thank GMA-7 for always supporting me and my dreams and for always giving me opportunities like Urduja.
"Yun po ang Happy Valentine’s ko."
Si Celeste Cortesi ang mahigpit na nakalaban ni Michelle nang sumali ito sa Miss Universe Philippines noong 2022.
Si Celeste ang nanalo ng Miss Universe Philippines crown, at si Michelle ang itinanghal na Miss Universe Philippines Tourism o first runner-up.
Nang makausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong Lunes ng gabi, February 13, ipinahayag niya ang suporta sa muling paglahok ni Michelle sa Miss Universe Philippines.
Binanggit ni Michelle sa press conference ng Mga Lihim ni Urduja na matagal nang alam ni Celeste ang balak niyang pagsali sa beauty pageant na magpapadala ng kinatawan ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe, na gaganapin sa El Salvador sa December 2023.
“Nag-apply ako ulit. Alam din naman po ni Celeste last year pa na may balak po akong sumali ulit this year,” rebelasyon ni Michelle.
“And for me, it’s really about not having regrets in life ‘coz last chance ko na this year. And it’s the kind of example na I wanna show my supporters na just keep fighting until wala ka nang maibigay or hindi mo na kayang gawin.”