Ayon sa isang insider, hindi maglalabas ng opisyal na pahayag ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) management tungkol sa pansamantalang pagsasara sa mga programa ng ALLTV.
Para sa kanila, walang dapat ipaliwanag dahil walang isyu.
Read: Ilang programa ng ALLTV, pansamantalang magpapaalam sa ere
Idinagdag ng AMBS insider na muling mapapanood ang mga programa ng ALLTV kapag naayos na ang signal ng network na pag-aari ni former Senator Manny Villar. Maaari itong mangyari sa June 2023.
Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline
Kabilang ang morning talk show ng ALLTV na M.O.M.s (Mhies on A Mission) sa mga programang magpapahinga, at kinumpirma ito ng host na si Ruffa Gutierrez nang makausap siya ng entertainment press sa media conference ng Martyr or Murderer kahapon, February 9, 2023.
Read: Mariel Rodriguez, Ruffa Gutierrez, Ciara Sotto reveal what they can offer to their new ALLTV show
Ang mga host ng M.O.M.s ang unang kinausap ng ALLTV management noong nakaraang linggo tungkol sa pansamantalang pagsasara sa programa, pero babayaran pa rin ang kalahati ng mga talent fee nila habang hindi pa sila bumabalik sa ere.
Lahad ni Ruffa, “They spoke to us and I believe it’s not a goodbye. I think it’s a see you later.
"So, para sa akin, kinausap kami, sabi magpu-pause daw muna sila for a couple of months for them to fix their signal.
“So I think it’s internal. Para sa akin, that’s normal. That’s expected if you’re launching a new business, a brand. What more a station?
“You’re gonna go through some pains. Hindi naman right away magiging successful kaagad yon so hindi naman po ako ang may-ari ng istasyon at hindi ko masasagot yan.
“I think we should wait for the official announcement of AMBS and ALLTV. Basta ang masasabi ko lang na, para sa akin, I am network-friendly.”
Nagpahayag si Ruffa ng pasasalamat sa Villar family dahil patuloy ang pagbabayad sa kanila, sa kabila ng pansamantalang pagpapatigil sa pagpapalabas sa morning talk show nila nina Mariel Rodriguez at Ciara Sotto.
“I’m a freelancer. I do have a contract with M.O.M.s , yung Mhies On a Mission, and napaka-grateful ko rin sa mga Villar kasi kahit nag-pause kami, we’re still being compensated.
“So, di ba, napakabait ng mga boss? So, para sa akin, napaka-grateful ko kasi hindi naman namin kasalanan kung may problema sa signal.
“Ang importante sa akin, kay Mariel at kay Ciara, we do our best and maganda yung show namin, and naniniwala ako na pag naayos yung signal, magiging successful din yon.”