PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruffa Gutierrez on Turkish boyfriend Yilmaz Bektas

Eula Valdes, may special participation sa Martyr or Murderer.
by Jojo Gabinete
Published Feb 9, 2023
ruffa gutierrez yilmaz bektas
Ruffa Gutierrez, humiling ng dasal at pakikiramay sa mga naapektuhan ng matinding lindol sa Turkiye, kung saan nakatira ang kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas.
PHOTO/S: Viva Films / Instagram

Kinuha ang reaksiyon ni Ruffa Gutierrez tungkol sa malakas na lindol (magnitude 7.8) na yumanig sa bansang Turkiye noong February 6, 2023.

Tinatayang nasa 4,300 katao na ang namatay dahil sa trahedyang ito.

Read: 2,000-year-old Gaziantep Castle sa Turkiye, isa sa mga na-damage sa 7.8-magnitude earthquake

Dahil nanirahan si Ruffa sa Turkiye noong nagsasama pa sila ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas, tinanong siya kung ano ang naramdaman niya tungkol sa naganap na lindol.

“I felt bad. Nakausap ng anak ko yung daddy niya, si Yilmaz. Nakausap ko rin and, at that time, this is a few hours after the earthquake.

“Sabi niya [Yilmaz], hindi pa niya makontak yung ibang relatives niya.

"Siyempre, malaki ang nangyari [na lindol] sa Turkey, please offer our prayers and condolences to those affected,” hiling ni Ruffa para sa mga mamamayan ng bansa na naging malaking parte noon ng buhay niya.

Si Ruffa ang muling gumaganap bilang Imelda Romualdez Marcos sa pelikulang Martyr or Murderer, na nagkaroon ng mediacon ngayong Huwebes ng hapon, February 9, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, may special participation si Eula Valdes sa Martyr or Murderer dahil ipinakita sa trailer ng pelikula na siya ang gumanap na Imee Marcos.

eula valdes martyr or murderer

Si Cristine Reyes ang nagbigay-buhay sa karakter ng young Imee sa Maid in Malacañang at sa Martyr or Murderer.

Ang eksena ni Eula sa trailer ang kumpirmasyong magkakaroon ng third installment ang proyektong mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magbubukas sa mga sinehan ang Martyr or Murderer sa March 1. Makakatapat nito ang Oras de Peligro, ang pelikula ni Joel Lamangan na pinagbibidahan nina Cherry Pie Picache at Allen Dizon.

Sinabi ni Direk Joel na katotohanan lamang o mga tunay na nangyari sa EDSA People Power Revolution ang kuwento ng Oras de Peligro.

Read: Joel Lamangan, palaban sa Oras de Peligro: "Ito'y nagsasabi ng totoo!"

Ayon kay Direk Joel, ang Oras de Peligro ang sagot niya sa Maid in Malacañang na tungkol naman sa tatlong huling araw sa Pilipinas ng Marcoses noong February 1986.

Sa press conference ng Martyr or Murderer, itinanong kay Darryl ang reaksiyon niya tungkol sa magkasabay na pagbubukas sa mga sinehan ng pelikula nila ni Joel sa March 1. Pero tumanggi siyang magbigay ng komento.

Sarkastiko niyang sagot: “I was advised by my lawyers not to talk about people with less than one million followers. I rather not comment. Kapag po one million followers, I’ll comment na.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez, humiling ng dasal at pakikiramay sa mga naapektuhan ng matinding lindol sa Turkiye, kung saan nakatira ang kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas.
PHOTO/S: Viva Films / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results