PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame defends ALLTV amidst concerns

ALLTV, hindi pa rin kinakausap si Willie Revillame tungkol sa estado ng Wowowin.
by Jojo Gabinete
Published Feb 9, 2023
willie revillame alltv
Willie Revillame: “Mahirap ho ang sitwasyon ko. Una, hindi naman ako kinakausap pa ng ALLTV management na kung ano ang mangyayari. Kung hihinto ba ang programa? Magpo-pause ba kami? Babalik pa ba ako? Kaya wala ho akong puwedeng sabihin sa inyo na ihinto na.”
PHOTO/S: ALLTV YouTube

As of yesterday, February 8, 2023, walang plano ang management ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na maglabas ng opisyal na pahayag tungkol sa isyu at kontrobersiya ng kanilang desisyong pagpahingahin muna ang mga programa ng kanilang television network, ang ALLTV.

Read: Ilang programa ng ALLTV, pansamantalang magpapaalam sa ere

Bunsod nito, patuloy na binabatikos si Willie Revillame, ang host ng Wowowin at itinuturing na mukha ng istasyon na napag-uusapan at umiingay lamang sa tuwing nagsasalita siya.

Kung naglabas agad ng pahayag ang AMBS, posibleng natuldukan na ang isyu dahil nasagot na ang katanungan ng publiko tungkol sa magiging kapalaran ng Wowowin.

Read: Willie Revillame laments netizens' reaction to news about ALLTV

Nang magsalita si Cristy Fermin sa programa nito sa One.Ph kahapon tungkol sa kanilang hindi pagkakaunawaan ni Willie na nalutas din kahapon, nabanggit niyang walang sinuman sa management ng ALLTV ang nakikipag-usap sa host ng Wowowin para mabigyang-linaw ang isyu tungkol sa pansamantalang pagpapahinga ng mga programa ng network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala raw kumakausap sa kanya. Tumatawag daw siya, wala raw gustong makipag-usap sa kanya. Yun ang sabi niya,” kuwento ni Cristy tungkol sa naganap na balitaktakan nila ni Willie na nangyari kahapon ng umaga, February 8.

Dagdag ni Cristy, “Ikaw na lang ang hindi nakakaalam. Hindi tama yan. Dapat kausapin mo sila. Araw-araw po raw siyang tumatawag pero walang may gustong makipag-usap sa kanya.”

Read: Cristy Fermin slams Willie Revillame's "panunumbat" on live TV; explains condo unit and car from Willie

Nagsalita naman si Willie sa Wowowin kagabi tungkol sa inaasahan at inaabangang pahayag ng ALLTV management na hindi pa nangyayari.

Ito ay kahit isang linggo na ang nakararaan buhat nang kausapin nila ang mga talent ng M.O.M.S, ang morning talk show nina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez, at Ciara Sotto, tungkol sa pagpapahinga ng programa.

Read: Mariel Rodriguez, Ruffa Gutierrez, Ciara Sotto reveal what they can offer to their new ALLTV show

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LOYALTY AND UTANG NA LOOB

Sa kabila ng rebelasyon ni Cristy na hindi kinakausap si Willie ng network management, tila pinagtakpan pa ng Wowowin host ang management na nananatiling tahimik sa gitna ng mga matitinding batikos at pang-aalipusta na natatanggap ng prime talent nila na patuloy ang pagtatanggol sa kanila.

Pahayag ni Willie, “Ngayon, para malaman niyo, bakit hindi daw naglalabas ng statement ang ALLTV management?

“E, siguro ho, e, meron silang sariling desisyon at diskarte kung papaano ho nila gagawin yan.

“Hindi po ako ang para magsalita in behalf of ALLTV dahil hindi ho ako involved sa management niyan. Ako’y talent lang nila.

“It’s a co-production, e, kung mapapansin ninyo, siyempre kapag nag-iisa ka, parang ano bang naging kasalanan ko?

“Bakit ako ang kinukuyog ng lahat sa social media? Yung past ko, ibinabalik niyo lahat. Yung mga nakikita ninyo, lahat ng kamalian ng kapwa.

"Siguro ganoon talaga dahil na-involve sa pulitika ang istasyon na to. Ganoon ang tingin niyo."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang tinutukoy ni Wllie ay ang pag-takeover ng pamilya ni dating Senator Manny Villar sa channels na dating hawak ng ABS-CBN, pagkatapos pagkaitan ng Kongreso na bigyan ng bagong prangkisa ang dating giant network noong 2020, sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline

Pagpapatuloy ng Wowowin host, “Mahirap ho ang sitwasyon ko. Una, hindi naman ako kinakausap pa ng ALLTV management na kung ano ang mangyayari.

"Kung hihinto ba ang programa? Magpo-pause ba kami? Babalik pa ba ako? Kaya wala ho akong puwedeng sabihin sa inyo na ihinto na.”

Ang pahayag na ito ni Willie ang kumpirmasyon sa rebelasyon ni Cristy na hindi siya kinakausap ng mga namamahala ng TV network na ipinaglalaban niya.

Parang nangangapa sa liwanag at hindi sa dilim ang nangyayari ngayon kay Willie dahil sa hindi pakikipag-usap sa kanya ng ALLTV management, na siguradong sinasagot naman niya ang mga tawag sa telepono noong masugid siyang nililigawan para lumipat sa nasabing network kahit kumportableng-komportable at maganda ang dating sitwasyon niya sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Willie Revillame bids emotional goodbye to GMA-7; clarifies "fake news" about his Kapuso contract

Walang dahilan para isipin ng ALLTV management na baka magalit si Willie kapag sinabi nilang kabilang ang Wowowin sa mga programang pansamantalang isasara.

Sa dami ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Willie, sa personal at propesyonal na buhay nito, imposibleng hindi niya matanggap ang katotohanan.

Sa kabila ng tila pagwawalang-bahala ng ALLTV management sa mga batikos laban kay Willie, ang pagtanaw ng malaki at malalim na utang na loob mula sa pamilya Villar ang nangingibabaw sa Wowowin host.

Kahit kung tutuusin, sinuklian niya ito ng loyalty at serbisyo sa pamamagitan ng pagpo-promote sa mga negosyo ng mga Villar sa kanyang mga programa sa ABS-CBN, TV5 at GMA-7.

SPLICED VIDEO

Sa kanyang public apology kay Cristy sa Wowowin kagabi, inamin ni Willie na nabiktima siya ng clickbait dahil hindi niya pinanood ang kabuuan ng pahayag ng veteran entertainment journalist at broadcaster.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanggap ni Willie ang pagkakamali dahil pinaniwalaan niya agad ang mga ipinarating sa kanyang balita na galing sa social media.

Read: Willie Revillame apologizes to Cristy Fermin: "Na-clickbait ako."

Hindi lamang si Willie ang biktima ng clickbait dahil biktima rin ang ilang mga kababayan nating hindi nagsaliksik mabuti at basta na lamang naniwala sa napanood nilang spliced o edited video ng guesting ni former Secretary Harry Roque sa Wowowin noong May 27, 2020.

harry roque willie revillame wowowin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahaluan ng pulitika ang isyu dahil pinalabas sa edited video na pinagtatawanan nina Roque at Willie ang hindi pagkakaloob ng Kongreso ng prangkisa sa ABS-CBN.

Pero kung panonoorin ang kabuuan ng pag-uusap nila, ipinagtanggol ni Willie ang Kapamilya Network sa hindi nakakatawang biro ni Roque.

“Sa kauna-unahang pagkakataon, ikaw lang ang napapanood sa buong bansa,” sabi ni Roque kay Willie.

Sinundan ito ni Roque ng isang insensitive joke.

“Alam mo, duda ko, kaya iyong isa nawalan ng prangkisa, ikaw may kagagawan niyan, e. Oh, aminin… aminin,” sabi ng humahalakhak na si Roque.

Napailing si Willie sa pahayag ni Roque kaya sabi niya: “Sec, wala po akong… Malaki din po ang utang na loob ko sa istasyon na iyan dahil doon ako nagsimula. Doon ako nakilala. Nasa puso ko pa rin ‘yan.

“Kapamilya, Kapatid, Kapuso, bawat Pilipino nandiyan.

"Sec, huwag mo akong idamay, baka ma-bash ako."

Read: Willie Revillame defends ABS-CBN from Harry Roque shutdown joke

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagkamali ang pakiramdam ni Willie dahil makalipas ang tatlong taon, ginagamit ang spliced video ng pag-uusap nila ni Roque para batikusin siya nang mapabalitang isasara muna ng AMBS management ang ilan sa mga programa ng ALLTV.

Hindi pa ito malinaw dahil wala pang opisyal na pahayag ang ALLTV tungkol sa kahihinatnan ng Wowowin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame: “Mahirap ho ang sitwasyon ko. Una, hindi naman ako kinakausap pa ng ALLTV management na kung ano ang mangyayari. Kung hihinto ba ang programa? Magpo-pause ba kami? Babalik pa ba ako? Kaya wala ho akong puwedeng sabihin sa inyo na ihinto na.”
PHOTO/S: ALLTV YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results