Dahil sa kahilingan ng publiko, magkakaroon agad ng repeat sa February 14 at February 15, 20223 ang Composer Ka Lang, ang pre-Valentine at 45th anniversary concert ng multi-awarded musician na si Louie Ocampo.
May special participation sa repeat ng Composer Ka Lang ang singer at ex-girlfriend ni Louie na si Joey Albert.
Read: Former sweethearts Joey Albert and Louie Ocampo reunite in concert
Inimbitahan si Joey sa unang pagtatanghal ng anniversary concert ni Louie sa The Theatre ng Solaire noong February 4 at February 5, 2023, pero hindi siya puwede dahil may conflict sa kanyang schedule.
Ikatutuwa ng mga tagahanga nina Louie at Joey na matutuloy na ang pagsasama nila sa Composer Ka Lang dahil sa two-night repeat nitong magaganap pa rin sa dating venue.
Ang "Tell Me," "Ikaw Lamang ang Mamahalin," at "Yakapin Mo Ako" ang ilan sa mga sumikat na kanta noong dekada '80 at timeless collaboration nina Louie at Joey na inaasahang maririnig at mapapanood sa Composer Ka Lang.
Read: Veteran composer Louie Ocampo reveals bittersweet story behind hit song "Tell Me"
Bukod kay Joey, special guests sa Valentine at anniversary concert ni Louie sina Pops Fernandez, Martin Nievera, Marco Sison, Katrina Velarde, Sam Concepcion, Katrina Velarde, Lyca Gairanod, Jim Paredes, at Boboy Garovillo.
Samantala, humingi naman ng paumanhin si Sarah Geronimo kay Louie dahil hindi siya nakasipot sa unang gabi ng Composer Ka Lang noong February 4.
“Congratulations Sir Louie Ocampo on the success of your show last night!! Thank you for being the coolest musical director that you are.
“I am so blessed to have been given many opportunities to work with the one and only Maestro Louie Ocampo!!
“I sincerely want to apologize for not being able to join you on stage due to a cold.
“Babawi po ako sa inyo next time, Sir Louie at sa lahat ng Popsters,” mensahe ni Sarah.
Hindi rin makakasali si Sarah sa repeat ng Composer Ka Lang dahil umalis sila ng bansa ng kanyang asawang si Matteo Guidicelli para ipagdiwang ang ikatatlong anibersaryo ng kanilang pagpapakasal noong February 20, 2020.