PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame still mum on shake-up in ALLTV programs

Wowowin ni Willie Revillame, ipahihinto rin kaya ng AMBS?
by Jojo Gabinete
Published Feb 4, 2023
willie revillame wowowin
Dahil siya ang naging mukha ng ALLTV, marami ang nag-aabang sa reaksiyon ni Willie Revillame sa mga pagbabagong mangyayari sa television network na pag-aari ng pamilya ni Senator Manny Villar.
PHOTO/S: ALLTV

Mainit na pinag-uusapan ang desisyon ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pansamantalang ihinto ang mga programa ng ALLTV dahil mahina pa ang signal at "reach" ng television network na pag-aari ni former Senate President at billionaire businessman Manny Villar.

Read: Manny Villar media company acquires ABS-CBN frequencies

alltv trending

Kinausap na ng ALLTV management ang mga empleyado ng network para ipaalam ang pasyang ihinto muna ang mga programa, pero magbabayad pa rin sila ng talent fee dahil igagalang nila ang mga kasunduan sa kontrata na kanilang pinirmahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ilang programa ng ALLTV, pansamantalang magpapaalam sa ere

Marami ang nagulat sa aksyong ginawa ng AMBS, at nais nilang malaman ang reaksiyon ni Willie Revillame.

Si Willie ang naging mukha ng ALLTV nang ilunsad ito.

Siya ang nasa sentro ng isyu dahil sa kabila ng mataas na ratings ng Wowowin sa GMA-7, iniwanan niya ang Kapuso Network noong February 2022.

Read: Willie Revillame bids emotional goodbye to GMA-7; clarifies "fake news" about his Kapuso contract

Pinili ni Willie na lumipat at dalhin sa ALLTV ang Wowowin dahil ang pagiging magkaibigan nila ng mga Villar at hindi ang personal na interes ang kanyang pinahalagahan.

Sinubukan naming tawagan si Willie para makuha ang kanyang panig tungkol sa tunay na sitwasyon ngayon ng Wowowin, pero hindi siya sumasagot sa mga mensahe na aming ipinadala.

Sa mga programa ng ALLTV, tanging ang Wowowin ang may rating dahil patuloy itong sinusubaybayan ng ating mga kababayan na hindi matanggap ang posibilidad na baka kasama ang programa ni Willie sa mga ipahihinto ng AMBS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumagastos si Willie ng limang milyong piso sa loob ng isang buwan dahil sa mga perang ipinamimigay niya sa ating mga mahihirap na kababayan na humihingi sa kanya ng pambili ng mga gamot at pagkain, gastos sa pampalibing at pagpapabinyag.

Inihahalintulad pa nga sa government agency na DSWD (Department of Social Welfare and Development) ang programa niya na nagbibigay ng ayuda sa pamamagitan lamang ng pagtawag sa telepono.

Kung may mga natatakot mawala sa telebisyon ang Wowowin, may mga bumabatikos din kay Willie dahil sa pag-alis niya sa GMA-7.

Read: Willie Revillame slams "fake news" that he regrets decision to leave GMA-7

Pero sa huling telecast ng Wowowin sa Kapuso Network noong February 11, 2022, matatandaang nilinaw ni Willie na maayos ang pagpapaalam niya kay Atty. Felipe Gozon, ang Chairman at CEO ng GMA Network Inc., at maganda ang kanilang paghihiwalay.

Ipinakita pa ni Willie sa huling araw ng Wowowin sa GMA-7 ang kabuuan ng sulat na ipinadala niya kay Atty. Gozon:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

willie revillame letter

Nauunawaan daw ni Atty. Gozon ang desisyon ni Willie at nagsalita pa ito ng: “You have had a continue to have long, close, personal and business relationships with Sen. Villar over the years, much longer than your relationship with us at GMA-7.

“We appreciate that there comes a rare opportunity of a lifetime for one to choose a path that will determine one’s future career, like the one offered to you by Sen.Villar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“While we believe, as you do, that our relationship has been characterized by nothing less than being harmonious, cooperative, supportive, rewarding, successful etc., we understand and appreciate where you are coming from.

“There was no problem — big or small that we were not able to resolve to our mutual satisfaction. Hence, we have no rancor in accepting and respecting your decision.”

atty. felipe gozon letter

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Postscript: Noong February 1, 2023, ipinakita pa ni Willie sa Wowowin ang konstruksiyon ng studio sa Star Mall na gagamitin niya kaya marami ang nabigla sa balitang ihihinto muna ng AMBS management ang lahat ng mga programa ng ALLTV.

Hindi malinaw kung kasama ang Wowowin sa mga programang pansamantalang isasara.

Bilang hindi sumasagot si Willie sa aming mga mensahe, aabangan na lang namin ang live telecast ng kanyang programa sa darating na Lunes, February 6, dahil baka-sakaling magsalita na siya tungkol sa pinag-uusapang isyu na bumulabog sa Philippine television industry.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil siya ang naging mukha ng ALLTV, marami ang nag-aabang sa reaksiyon ni Willie Revillame sa mga pagbabagong mangyayari sa television network na pag-aari ng pamilya ni Senator Manny Villar.
PHOTO/S: ALLTV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results