Nakatulong nang malaki ang Maria Clara at Ibarra para muling maalaala ng mga nakatatanda at makilala ng mga kabataan ngayon sina Padre Damaso Verdolagas at Padre Bernardo Salvi.
Ang dalawang pari ay mga karakter sa Noli Me Tangere, ang nobela ng national hero na si Dr. Jose Rizal na pinagbasehan ng kuwento ng prime-time drama series ng GMA-7.
Viral sa kasalukuyan ang video ng pari na hindi natuwa sa pananapaw sa kanya ng commentator.
@inaki_sagadal.youtube Hahahaha. #Katikatera word of the day. I googled its meaning and found no result. Does anyone know its meaning? #vibes #goodvibes #fyp #fypage #foryoupage #fyp? #youareyou #following #iñakisagadal ? original sound - IÑAKI G SAGADAL sa Youtube
Habang nagbibigay siya ng basbas sa mga dumalo sa misa na idinaos sa simbahan sa isang bayan sa lalawigan ng Cavite, dinig na dinig sa video ng YouTuber na si Iñaki Sagadal ang boses ng commentator.
Pero hindi makatarungan na ikumpara ang pari kina Padre Damaso at Padre Salvi, tulad nang ginagawa ng netizens.
Si Padre Damasa ay judgemental at walang awa habang si Padre Salvi naman ay tuso,

Nakalagay sa video ang pangalan ng pari na tinawag na "katikatera" ang lady commentator dahil sinasapawan nito ang kanyang pagsasalita.
“Humayo kayo, humayo kayo, humayo kayo…” ang sabi ng pari pero sumapaw at nangibabaw ang pahayag ng commentator na, “Pero tanda pa rin po ng ating pasasalamat..."
Kaya nakapagsalita ang alagad ng simbahan ng, “Ano ba itong le… commentator na ito’t masyadong katikatera?”
Huminto sa pagsasalita ang babae kaya ipinagpatuloy ng pari ang pagbibigay ng basbas na, “Humayo kayong taglay ang pagpupuri’t pasasalamat sa Maykapal. Salamat sa Diyos at pasasalamatan lagi ang Diyos.”
Umani ng sari-saring reaksiyon mula sa netizens ang eksena na kanilang nasaksihan dahil sa inasal ng pari, na ikinumpara nila sa mga karakter ng Noli Me Tangere na hindi nararapat dahil magkaibang-magkaiba ang sitwasyon.
Tao rin ang mga alagad ng simbahan na nagkakamali, kaya normal na mairita sila at maubos ang pasensiya na inihihingi naman nila ng kapatawaran sa Panginoong Diyos.
Pero sa panahon ng social media, hindi sila ligtas mula sa mga mapanghusgang netizens na ang ilan ay clueless sa ibig sabihin ng "katikatera."

Depende sa konteksto ng pangungusap, ito ay maaaring mangahulugang "adelantada," "hindi mapigilan ang kadaldalan," "bida-bida" o kaya'y "maepal."
Samantala, may ilan ding naintindihan ang outburst ng pari.
