Ang tatlong magagandang bagay na nangyayari sa bawat araw ng kanilang buhay ang pinag-uusapan ng couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles bago matulog.
Ito ang isa sa mga sikreto ng mapayapang nilang relasyon.
Ibinahagi ni Kim sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang sikreto ng pagmamahalan nila ni Jerald na maaaring tularan at makatulong sa ibang mga taong dumaranas sa mga pagsubok ang relasyon.
1. Have a gratitude ritual.
“Gusto ko lang i-share sa mga tao na every night, at the end of the day, we always tell each other three grateful things about our day.
“Kapag ganoon po kasi, yung proseso namin ng buong araw, kahit gaano kahirap, yung mga schedule na ginagawa namin sa buong araw—the movie, the business, may rehearsals, for everything na ang daming ganap—kung tutuusin nakakapagod, nakaka-drain but we would always look for that grateful things at the end of the day,” lahad ni Kim.
2. TALK ABOUT FIGHTS
Kung may dapat i-improve sa paraan ng pag-aaway ng couple, pag-usapan ito sa panahong humupa na ang galit o inis.
Sabi ni Kim, "...nagsasabi pa talaga kami kung paano ma-i-improve kung meron man naging away.
“I will do it. I would just promise and be more understanding of what’s going on kasi I may have my schedule, he has his schedule also na nakakapagod at kailangan din natin kasi na makita yung other side.
“Bakit ba nangyari iyon? Bakit ba ganoon ang way ng pagkasabi niya sa akin ng isang bagay? It’s because the other person is tired. It’s because the other person is thinking of other things as well.
“So I just have to be continuously understanding towards him. That’s what I’m going to do kasi alam ko naman din kung ano yung reason why he’s doing those things. It’s all for the betterment of our relationship and for our future also,” ang kuwento at paliwanag ni Kim tungkol sa nakasanayan nila ni Jerald na gawin bago sila matulog sa gabi.
3. DISCUSS NOT ARGUE.
Hindi perpekto ang pagsasama nina Kim at Jerald dahil nagkakaroon din ng mga isyung hindi maiiwasan, pero matagal na ang nakalilipas buhat nang maranasan nilang mag-away noong mga unang buwan ng kanilang pagsasama o live-in arrangement noong 2020.
“We don’t fight anymore. Ang pinaka-biggest fight namin na nangyari na huli na lang, during the pandemic,” ang rekoleksiyon ni Kim.
“I think it’s also normal since we’re adjusting to each other. First time na magka-live in, 'tapos lahat ng projects, magkasama kami.
“I think, individually parang nagulat ka kasi lahat tayo nagulat sa nangyari lalo na sa amin na bigla akong may ka-live in.
“Hindi pa kami ready pareho so nag-clash talaga kaming dalawa pero we got through it.
“Ngayon, wala na kaming big fight. It’s more of discussions na lang kapag may ideas kami or whatever we want to do. Discussions, but not to the point na mag-aaway kami.”