PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Binibining Pilipinas inakusahan"

Netizens, umalma sa diskriminasyon umano ng Binbining Pilipinas.
by Jojo Gabinete
Published Jan 10, 2023
pia wurtzbach catriona gray hiv awarenewss
Kabilang ang HIV/AIDS awareness sa mga matatagal nang advocacy ng Binibining Pilipinas at ng past Miss Universe winners na sina Pia Wurtzbach (kaliwa) at Catriona Gray (kanan) kaya binabatikos at pinararatangan ng diskriminasyon ang organisasyon.

Nagsimula nang tumanggap ang Bininbing Pilipinas Charities Inc. (BPCI) ng mga aplikante para sa 2023 edition ng Binibining Pilipinas.

Sa January 31, 2023 ang huling araw ng pagsusumite ng application form ng mga kababaihang nangangarap magkaroon ng beauty title at maging kinatawan ng ating bansa sa mga international beauty pageant.

Pero nabahiran ng kontrobersiya ang itinuturing na prestihiyosong beauty pageant sa Pilipinas dahil sa isang bahagi ng Certification and Warranty of Information/Statements nito.

Nakasaad dito: “I am in good health, psychological and physical health, and that I have never been sick or have been hospitalized for Cancer, Epilepsy, HIV, AIDS, any heart ailment, a disease involving the gastrointestinal system or any other disease that will impair my mental, psychological and/or ph health or condition.”

Umani ito ng kritisismo mula sa netizens.

Ayon sa kanila, isang uri ng diskriminasyon, partikular ang HIV, para sa mga Pilipino na hindi matanggap ang criteria na BPCI para sa aspiring beauty queens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

bb pilipinas comment

binibining pilipinas comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

bb pilipinas comment

binibining pilipinas comment

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang ang HIV/AIDS awareness sa mga matatagal nang advocacy ng BPCI at ng past Miss Universe winners na sina Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018) kaya binabatikos at pinararatangan ng diskriminasyon ang naturang organisasyon.

Hinihikayat ng mga kritiko na huwag hayaan ng beauty pageant supporters na palampasin ang diumano’y diskriminasyon at hindi makataong trato ng BPCI sa mga taong positibo sa HIV/AIDS.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang HIV/AIDS awareness sa mga matatagal nang advocacy ng Binibining Pilipinas at ng past Miss Universe winners na sina Pia Wurtzbach (kaliwa) at Catriona Gray (kanan) kaya binabatikos at pinararatangan ng diskriminasyon ang organisasyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results