Bakas sa social media post ni Paolo Contis ngayong Miyerkules ng gabi, January 4, 2023, ang pangungulilang nararamdaman para sa kanyang anak na si Summer, ang anak nila ng former girlfriend niyang si LJ Reyes.
Ngayong araw, January 4, ang ika-apat na kaarawan ni Summer kaya binati siya ni Paolo ng "Happy birthday my Ganda! I miss you everyday!"
Nilagyan ito ng 38-year old actor ng heart emoji.
Mahigit isang taon nang hindi nakikita ni Paolo nang personal si Summer mula nang maghiwalay sila ni LJ at magdesisyon itong pumunta sa New York noong September 2021.
Read: Paolo Contis, kinumpirmang alam ang pagpunta ni LJ Reyes sa New York
Si Summer ang pangatlong anak ni Paolo. May dalawa siyang anak sa kanyang estranged wife na si Lian Paz.
Sa tatlong supling ni Paolo, si Summer ang pinakamalapit sa kanya dahil lumaki ito sa piling niya bago nagwakas ang anim na taong relasyon nila ni LJ kaya matindi ang pangungulila ng aktor para sa anak na bunso.
Si Yen Santos ang itinuturong third party sa paghihiwalay nina Paolo at LJ. Pero hanggang ngayon, hindi pa nagsasalita ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
"As a friend" ang brilliant explanation noon ni Paolo tungkol sa mga sighting sa kanila ni Yen sa mga lugar na pinupuntahan nila.
Read: "As a friend?" Netizens react to Paolo Contis inviting Yen Santos to Baguio
Noong nakaraang taon, isa si Paolo sa mga pinasalamatan ni Yen nang manalo itong best actress sa Gawad Urian, isang indikasyon ng kanilang unti-unti na pag-amin sa publiko tungkol sa pagmamahalan nila na pilit inililihim pero mahirap itago.
Read: Urian 2022 best actress Yen Santos, pinasalamatan si Paolo Contis sa kanyang acceptance speech