PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeremy Renner, nag-post ng selfie matapos maaksidente at maoperahan

"I’m too messed up now to type. But I send love to you all."
by Jojo Gabinete
Published Jan 4, 2023
jeremy renner hospital bed
Hollywood actor Jeremy Renner posts a selfie on Instagram days after his snow-plowing accident and undergoing two surgeries.
PHOTO/S: @jeremyrenner on Instagram

Matindi ang aksidenteng naranasan ng Hollywood actor at Avengers star na si Jeremy Renner sa Washoe Count, Nevada, USA noong January 1, 2023.

Nagulungan siya ng kanyang vintage PistenBully o snowcat, ang sasakyang ginagamit na pampatag at pang-alis ng yelo.

May bigat na 14,330 pounds ang PistenBully ni Renner.

Read: Avengers star Jeremy Renner in "critical but stable" condition after accident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nalagay sa panganib ang buhay at kasalukuyang nakaratay sa ICU ng isang ospital ang aktor dahil sa kanyang mga tinamong blunt chest trauma at orthopedic injuries.

Sumailalim si Renner sa dalawang operasyon dahil nilagyan ng mga doktor ng metal pin ang binti niya na nagulungan ng kanyang PistenBully.

Pinaniniwalaang bumubuti na ang pakiramdam ni Renner dahil tatlong araw matapos ang trahedya, nagawa na niyang mag-post sa kanyang Instagram ng pasasalamat ngayong Miyerkules ng umaga, January 4.

“Thank you all for your kind words. I’m too messed up now to type. But I send love to you all,” mensahe ni Renner, na namamaga at sugatan ang mukha sa larawang kanyang ibinahagi na kuha mula sa ICU ng ospital na kinaroroonan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilahad ni Washoe County Sheriff Darin Balaam sa ipinatawag nitong press conference ang detalye ng freak accident na nangyari kay Renner.

Sinabi ni Balaam na gamit ang PistenBully, tinulungan ni Renner ang isang kamag-anak na maialis ang sasakyan nito mula sa pagkakabalahaw sa yelo na may taas na tatlong talampakan.

Nagtagumpay si Renner sa pagtulong sa pag-aalis sa nabalahaw na sasakyan, bumaba siya mula sa PistenBully para kausapin ang tao na kanyang tinulungan. Habang nag-uusap sila, napansin niya ang kusang paggulong ng snowplow.

Sinubukan ni Renner na makasakay sa snowplow para mapigilan ang pag-andar nito pero huli na dahil nasagasaan siya ng gumugulong na sasakyan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hollywood actor Jeremy Renner posts a selfie on Instagram days after his snow-plowing accident and undergoing two surgeries.
PHOTO/S: @jeremyrenner on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results