PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bayani Agbayani's Mom's 54th Birthday Tribute

"Nami-miss ko na nang sobra ang nanay ko."
by Jojo Gabinete
Published Jan 3, 2023
bayani agbayani mother
Bayani Agbayani on late mother Erlina Rogacion: “Nami-miss ko na nang sobra ang nanay ko. Lagi ko siyang napapaginipan pero puro masasaya naman ang mga panaginip ko. I love you, Nanay."
PHOTO/S: @bayaniagbayani on Instagram

Ipinagdiriwang ni Bayani Agbayani ang kanyang ika-54 kaarawan ngayong araw, January 3, 2023.

Tanggap ng comedian-TV host na kailanman, hindi na makukumpleto ang kaligayahan niya dahil sa pagpanaw ng kanyang ina na si Erlina Rogacion noong March 21, 2020.

Read: Bayani Agbayani still mourning death of mom: "Naluluha ako"

Si Erlina ang nagsilbing haligi at ilaw ng kanilang tahanan dahil maagang pumanaw ng ama ni Bayani. Dinamdam nang husto ni Bayani ang pagkawala ng kanyang ina.

Sa kanyang kaarawan, hindi nakalimutan ni Bayani na alalahanin at magbigay-pugay sa pinakamamahal niyang ina.

“Pinakamalungkot na parte ng buhay ko ay nang mawala ang nanay ko,” sabi ni Bayani nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Martes.

“Buong tagumpay ko sa buhay ko, inialay ko sa kanya dahil sa sobrang hirap ng dinanas niya sa pagtataguyod na mabuhay kami.

“Tatlong taon pa lang ako nang namatay ang tatay ko. Ang nanay ko ang mag-isang bumuhay sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Anim kaming magkakapatid. Ang Lola Nene ko ang nakatulong ng nanay ko sa pag-aalaga sa amin kaya iniaalay ko rin sa kanya ang lahat.

“Nami-miss ko na nang sobra ang nanay ko. Lagi ko siyang napapaginipan pero puro masasaya naman ang mga panaginip ko.

"I love you, Nanay," mensahe pa niya.

Ramdam na ramdam ang matinding pangungulila ni Bayani sa kanyang ina dahil sa mga pahayag ito.

Saad niya, “Noong namatay ang nanay ko, na-realize ko na lalong hindi pala tayo dapat matakot na mawala sa mundong ito dahil gustuhin man natin na na mabuhay nang matagal, kapag oras mo na, oras mo na.

“Kaya huwag na tayong ma-stress, malungkot at mag-isip nang mag-isip. Maging masaya tayo at magmahal sa lahat ng oras kasi lahat talaga tayo lilisan sa mundong ito at hindi natin alam kung kailan.

“Gumawa tayo ng mabuti sa kapwa at tumulong sa abot ng ating kakayanan dahil iyon ang magpapasaya ng ating mga puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naks, ang lalim, ah, pero yan ang totoo."

Para sa kanyang ika-54 kaarawan, simple lamang ang kahilingan ni Bayani — ang mabuting kalusugan para sa kanyang pamilya at sa lahat ng mga tao.

Simple rin ang gagawin niyang pagdiriwang dahil sama-sama lamang silang manananghalian ng kanyang pamilya sa tahanan nila.

Ilan sa mga itinuturing ni Bayani na mga biyaya na natanggap nito at highlight ng pagiging entertainment personality niya sa loob ng tatlong dekada ay nang isilang ang mga anak niya, nang maging hit song ang "Ocho-Ocho" na popular sa TikTok hanggang ngayon, ang pagkakaroon ng stable career, at ang dalawang apo niyang sina Santiago Vito at Santiago Luca.

Read: Comedian Bayani Agbayani visits his old neighborhood

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayani Agbayani on late mother Erlina Rogacion: “Nami-miss ko na nang sobra ang nanay ko. Lagi ko siyang napapaginipan pero puro masasaya naman ang mga panaginip ko. I love you, Nanay."
PHOTO/S: @bayaniagbayani on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results