PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Geronimo Thanks Supporters

Sarah Geronimo, muling pinahanga ang mga tapat na tagahanga.
by Jojo Gabinete
Published Jan 2, 2023
sarah geronimo asap natin to
Sarah Geronimo: "Grabe ang aking pasasalamat sa inyo. Yung walang sawang naghintay, sumuporta... At even yung mga tao na talagang positive pa rin ang pagtanggap sa akin, kahit na meron akong iba’t ibang choices sa buhay ko personally, nandiyan pa rin sila."
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Bumilib ang mga tapat na tagahanga ni Sarah Geronimo dahil sa mga salitang binitiwan niya sa pagtatanghal ng ASAP Natin ‘To kahapon, January 1, ang unang araw ng 2023.

Muling ipinamalas ni Sarah ang kababaan ng loob nito nang magpasalamat siya sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya, sa kabila ng mga desisyon sa buhay na pinipili niya.

Mensahe niya: “Grabe ang aking pasasalamat sa inyo. Yung walang sawang naghintay, sumuporta...

"At even yung mga tao na talagang positive pa rin ang pagtanggap sa akin, kahit na meron akong iba’t ibang choices sa buhay ko personally, nandiyan pa rin sila.

"Maraming-maraming salamat po, you know who you are."

Read: Sarah Geronimo, hinangaan sa pagpapakumbaba niya sa mga magulang

Kapansin-pansing habang tumatagal, nagiging komportable si Sarah sa paglalahad sa publiko ng kanyang mga saloobin na hindi niya nagagawa noong dalaga pa siya.

Noong October 2022, marami ang ginulat ni Sarah nang humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga magulang na sina Delfin at Divine Geronimo sa pamamagitan ng social media dahil alam ng lahat na malaki ang pagpapahalaga niya sa pribadong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag noon ng singer-actress: “Hindi ko po ito madalas gawin dahil gusto ko po mapanatiling pribado ang aking personal na buhay pero pinipili ko pong kunin ang pagkakataon na ito.

“Gusto ko rin kunin ang pagkakataon na ito sa paraan din na ito... na humingi ng tawad sa aking pamilya na labis na nasaktan sa aking mga naging desisyon sa buhay. Patawad po.

“Sa aking mga magulang... walang hanggan po ang pasasalamat ko para sa buhay na ibinigay niyo sa akin, sa aming magkakapatid.

“Lahat ng suporta at pag aaruga... ang inyong walang katumbas na pagmamahal, walang sino man ang pwedeng makapagpunan po nito.

“Mahal na mahal ko kayo... daddy at mama ko. araw-araw ko po kayong nami-miss at naiisip.”

Read: Sarah Geronimo to her parents: “Patawad po.”

Burado na ang social media post ni Sarah pero malakas ang epekto nito sa publiko kaya napansing mas bukas na siya sa paghahayag ng damdamin, na maaaring isa sa mga impluwensiya sa kanya ng asawa niyang si Matteo Guidicelli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo: "Grabe ang aking pasasalamat sa inyo. Yung walang sawang naghintay, sumuporta... At even yung mga tao na talagang positive pa rin ang pagtanggap sa akin, kahit na meron akong iba’t ibang choices sa buhay ko personally, nandiyan pa rin sila."
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results