PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daddie Wowie on critics of talent Joaquin Domagoso's awards

Nakalimutan ang urn ng amang pumanaw dahil busy siya sa That Boy in the Dak.
by Jojo Gabinete
Published Dec 31, 2022
Daddy Wowie Roxas and talent Joaquin Domagoso, lead actor of That Boy In The Dark
Hindi napigilan ni Daddie Wowie na magsabi ng hinaing matapos umani ng negatibong komento ang awards ng talent niyang si Joaquin Domagoso para sa pelikulang That Boy in the Dark.
PHOTO/S: PR; courtesy of Daddy Wowie Roxas

Naglabas ng hinaing sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager na si Edwin "Daddie Wowie" Roxas tungkol sa mga negatibong komento sa acting awards ni Joaquin Domagoso.

Ilang mga personalidad sa entertainment industry kasi ang kumukuwestiyon sa pagiging lehitimo at sa kredibilidad ng mga international award-giving body na nagbigay-parangal sa young actor.

Sa January 8, 2023 pa ipapalabas ang movie sa mga sinehan sa Pilipinas, pero umani na ito ng best-actor awards para kay Joaquin mula sa 16th Toronto Film and Script Awards ng Canada, Five Continents International Film Festival ng Venezuela, Boden International Film Festival ng Sweden, at, ang pinakahuli, Latitude Film Awards ng United Kingdom.

Si Daddie Wowie ang talent manager ni Joaquin at ng ama nitong si former Manila City Mayor Isko Moreno. Siya rin ang producer ng That Boy In The Dark, at nagpursige na isali sa international film festivals ang launching film ng 21-year-old star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya masakit para sa kanya ang sinasabi ng ibang mga kasamahan sa industriya na “scam“ ang mga award-giving body na kumilala sa husay ni Joaquin bilang aktor.

Nasaksihan mismo ng Cabinet Files ang efforts ng talent manager, and, in fact, halos hindi niya naasikaso ang mga personal concerns.

Kausap siya ng kolumnistang ito sa telepono noong December 26, 2022, dahil ibinalita niya na muling nanalo si Joaquin na best actor sa 2022 Boden International Film Festival.

Sa gitna ng aming pag-uusap, biglang natigilan si Wowie at nagsabi ng, "Patay na yata ang tatay ko!"

Nagulat kami sa sinabi ni Wowie kaya tinanong namin siya kung nasaan ang kanyang ama.

Ang sagot niya: "Nandito sa tabi ko…"

Sinabi ng Cabinet Files kay Wowie na asikasuhin muna nito ang tatay niya kaya naputol ang pag-uusap sa telepono. Makalipas ang ilang minuto, nakatanggap kami ng mensahe mula kay Wowie at kinumpirma nitong pumanaw na ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinayuhan namin siyang ipagpaliban muna ang face-to-face press conference habang nagluluksa pa siya, pero hindi na raw puwede dahil bayad na ang venue at kasado na ang lahat.

Kahapon, December 30, ang araw ng media conference ng That Boy In The Dark na ginanap sa isang events place sa Quezon City.

Nang dumating kami, si Daddie Wowie ang nakasabay namin sa elevator at "one for the books" ang kanyang kuwento.

Si Wowie ang punong-abala sa pag-aasikaso sa media conference, at dahil sa dami ng mga ginagawa, nakalimutan niyang kunin mula sa crematorium ang urn na kinalalagyan ng abo ng kanyang ama.

“Ipina-cremate ko agad ang tatay ko noong December 26 kaya hindi na nagkaroon ng burol.

“Dinala namin siya sa crematorium at dahil mahaba ang pila, pang-anim siya sa ike-cremate kaya nagpasya kami na balikan na lang ang kanyang urn.

"Sa dami ng mga ginagawa ko, nawala siya sa isip ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kagabi, December 29, bigla kong naisip, nasaan nga pala ang tatay ko? Ay! Saka ko naalaala na naiwan pa pala siya sa crematorium kaya kinuha agad namin ang kanyang urn!” ang lahad ni Wowie tungkol sa insidente na parang hindi kapani-paniwala, pero tunay na nangyari dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman niya nang mawala ang kanyang ama at naging abala sa pag-aasikaso sa That Boy In The Dark.

Isinali ni Wowie sa labinglimang international film festival ang pelikula kaya masakit para sa kanya na akusahang “scam” at hindi lehitimo ang mga tagumpay na inaani ng pinagkagastusan at pinagpaguran niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi napigilan ni Daddie Wowie na magsabi ng hinaing matapos umani ng negatibong komento ang awards ng talent niyang si Joaquin Domagoso para sa pelikulang That Boy in the Dark.
PHOTO/S: PR; courtesy of Daddy Wowie Roxas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results