Wagas na panghahamak ang natatanggap ng singer-actress at former American Idol judge na si Paula Abdul mula sa netizens dahil sa mga larawan ng pagdalo niya sa annual Christmas party ng socialite at aktres na si Kathy Hilton.
Ibinahagi ni Paula sa kanyang official Instagram account ang mga larawan nito, na ayon sa netizens ay malayung-malayo sa kanyang kasalukuyang hitsura kaya halatang-halatang gumamit siya ng filter app para magmukhang bata.
Sa isang litrato, kasama ni Paula ang 48-year-old German-American model at TV host na si Heidi Klum pero nagmistula silang mag-ina dahil napasobra ang pagiging bata ng kanyang mukha.
Teenager na teenager din ang pisikal na kaanyuan ng 60-year-old singer sa mga litrato nila nina Heidi at Jaclyn Smith.

Heidi Klum, Paula Abdul, and Jaclyn Smith
Dahil halos hindi na makilala sa mga larawan ng pinabatang hitsura, hindi pinatawad si Paula ng mga netizen na naaburido sa pagpapanggap na ginawa niya.
Ang mga sumusunod ang ilan sa mga batikos laban sa kanya:



Hindi nag-iisa si Paula.
Sa Pilipinas, pinababata rin ng ilang mga artista ang kanilang mga hitsura sa mga social media post nila, gamit ang iba’t ibang klase ng filter app, pero hindi kasing-tindi ng ginawa ng dating judge ng American Idol sa mga larawan nito.