PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo on Christmas surprise for jewelry brand employees

Rabiya drops by to meet these three lucky employees!
by Jojo Gabinete
Published Dec 24, 2022
Rabiya Mateo
Rabiya Mateo personal na binisita ang kasambahay na si Grace Rivera para iabot dito ang mga Pamaskong regalo.
PHOTO/S: @rojmiguel via @rabiyamateo Instagram

Isang sorpresa para sa mga supporter ni Rabiya Mateo ang daring at sexy Christmas pictorial niya bilang endorser ng jewelry brand ng negosyanteng si Drake Dustin.

Itinaon sa bisperas ng Pasko, December 24, 2022, ang paglabas ng sexy photos ni Rabiya na mabilis na pumukaw sa interes at atensyon ng mga kalalakihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may makabuluhan na kuwento sa likod ng mapangahas na pictorial ng former beauty queen.

Pinangunahan ni Rabiya ang pagbibigay ng Christmas surprise sa mga empleyado ng jewelry company na kanyang ini-endorso—ang goldsmith na si Rod Madrigal, ang jewelry polisher na si Gigi Montaos Villaluz, at ang kasambahay na si Grace Rivera.

Rabiya Mateo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumanggap ang tatlo ng cash worth PHP100,000 each, appliances, grocery items, at pang-kabuhayan showcase mula kay Rabiya at sa Stay Brilliant Foundation ni Drake.

Layunin nila na makapagsimula ang tatlo ng maliit na negosyo.

Madamdamin ang mga eksena na nakunan ng video dahil hindi inaasahan nina Rod, Gigi, at Grace na pare-pareho na napaluha ang mga Pamasko na ipinagkaloob sa kanila ni Rabiya na personal na pinuntahan ang lugar na kinaroroonan nila.

Rabiya Mateo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa Miss Universe Philippines 2020 winner, naisip nina Drake at Rabiya na bigyan ng sorpresa ang matatapat na empleyado na empleyado ng kompanya para higit na maramdaman nila ngayong Pasko ang pagmamahal sa kanila.

Hindi lamang ang matatapat na empleyado ng jewelry brand ang pinahahalagahan ng Stay Brilliant Foundation dahil sinusuportahan din nito ang Tahanang Mapagpala, ang home for the elderly sa Malolos, Bulacan at ang Mental Health Matters, ang mental health community na isa sa mga advocacy ng aktres na si Kylie Verzosa.

Itinatag at itinataguyod ni Ibay ang Stay Brilliant Foundation dahil sa kanyang adhikain na makita ng mga tao ang tunay na liwanag, magbigay ng tulong sa mga lubhang nangangailangan, at maging pag-asa ng bawat isa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabiya Mateo personal na binisita ang kasambahay na si Grace Rivera para iabot dito ang mga Pamaskong regalo.
PHOTO/S: @rojmiguel via @rabiyamateo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results