Ang Deleter, na mula sa direksiyon ni Mikhail Red , ng nag-iisang techno-horror movie sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ito rin ang kauna-unahang pelikula ni Mikhail na nakasali sa MMFF.
Read: Presenting the 8 Metro Manila Film Festival 2022 official entries
Naniniwala si Mikhail na nakatutok ang atensiyon ng lahat sa film festival na magsisimula sa December 25, 2022 dahil ito ang magiging basehan kung magbabalik na sa normal ang takbo ng Philippine movie industry.
Pahayag niya, “Nag-resume ang MMFF last year pero medyo parang nag-trial run muna, like I think yung big studios kinda held back their entries. Kasi siyempre, parang slowly pa lang nag-o-open up.
“Ngayon, higher yung hopes and may anticipation na parang ito na ba yung back to normal?
“Because of the pandemic, medyo na-fast forward yung progression, yung transition to streaming. Dun nabuhay yung mga Vivamax.
"Everyone stayed home so dumami yung subscribers sa Netflix, pumapasok na yung mga Disney Plus, HBO, Amazon...
"So, definitely may big change sa landscape ng movie industry.
“I think all eyes on this edition and I hope ma-maintain at ma-sustain ang theatrical experience.
"Pero even if nagsu-shoot na tayo for streaming, I still think special yung MMFF."
Naramdam namin ang katapatan ni Mikhail sa kanyang sagot nang itanong ng Cabinet Files ang motibo niya sa paggawa ng mga pelikula.
“Siguro parang gusto mo lang na may maiwan ka. Makaka-create ka ng ripple somehow na nagma-matter ka,” nagpakatotoong pahayag ni Mikhail.
“Noong nag-workshop ako kay Direk Marilou Diaz-Abaya, yun ang isang question na tinackle namin, 'Why do we tell stories?'
“Yung subconscious desire natin na maging immortal. Magkaroon ng legacy, to be remembered. Gusto natin na ma-pass on yung stories natin or siguro dahil less selfish framing na gusto lang natin na mag-matter tayo and may na-affect tayo na mga tao.”
Natawa si Mikhail bago nito sinagot ang sumunod na tanong namin para sa kanya: May ibang buhay ba siya bukod sa paggawa ng mga pelikula?
Tugon niya, “Oo naman, mostly sa gaming ako. Gamer ako at meron akong ibang... as in big nerd talaga.
"If nano-notice niyo nga, sobrang obsessed din ako sa pop culture and genre cinemas.
“I think yun ang nagbibigay ng motivation, ng energy ko, naggi-geek out ako when making films.
“So, in that sense, mahilig ako sa gaming, meron ako trading card game dati na I would play sa national team.
"Dati, ipinadadala kami sa France. Very nerdy stuff yung mga ginagawa ko."