Dalawa na ang beauty queen sa pamilya ni Patricia Javier.
Ito ay matapos koronahan bilang Miss Noble Queen of the Universe Classic 2022 ang kanyang 69-year-old mother na si Jeanette Canlapan.
Nangyari ito sa Christmas party ng Respect: Noble Queen of the Universe Ltd. Inc. noong Linggo, December 18, 2022.
Si Patricia ang kauna-unahang winner ng Noble Queen of the Universe title noong 2019, at siya ngayon ang national director ng nabanggit na beauty pageant organization.
Read: Patricia Javier, kinoronahang Noble Queen of the Universe 2019
Ipinagmamalaki ni Patricia ang kanyang ina dahil pinarangalan itong Inspiring OFW of the Year sa Advocacy and Service Excellence category ng 2022 Lustre Awards na ginanap sa Crowne Plaza Manila Galleria noong December 12, 2022.
Tinanggap naman ni Patricia at ng asawa nitong si Dr. Rob Walcher ang Best in Service and Most Trusted Chiropractic Wellness Clinic of the Year at Most Inspiring Celebrity Couple of the Year mula sa Lustre Awards.

Ang mga responsibilidad bilang national director ng Noble Queen of the Universe Ltd. Inc. at CEO/managing director ng family-owned wellness clinic nila ni Rob ang mga dahilan kaya tinatanggihan muna ni Patricia ang mga proyektong iniaalok ng home studio studio niya, ang Viva Films.
Pahayag ni Patricia, “Sa ngayon, tinitimbang ko ang priorities ko. Alam natin na sa ngayon, maraming restrictions sa shooting, maraming time na makukuha. Siyempre, may business po tayo.
"Siguro, yung pag-arte, kapag maluwag na lang ang schedule.
"Hindi naman nagtatampo ang Viva. Lagi kong sinasabi kay Boss Vic [del Rosario, Viva Films producer], basta ready na ako…"
Nakatakdang pumunta si Patricia sa Tokyo, Japan sa December 26, kasama ang asawa at ang kanyang dalawang anak para sa coronation ceremony ng Miss Noble Queen Universe 2022 sa December 29, 2022.
Read: Cristina Gonzales, sasabak sa kanyang kauna-unahang beauty pageant
“Sa December 29, 2 p.m., ang coronation ceremony sa Prince Tokyo Hotel. Aalis kami sa Pilipinas sa December 26 at babalik sa January 1, 2023.
“Marami ang nag-apply na delegates, pero walo na lang ang finalists sa Miss Noble Queen Universe 2022. Ito na po talaga yung mga sinala kaya masasabi ko na very proud kami.
“Kailangan kasi yung mga makakasama sa organization, yung tipong gusto nilang i-continue ang aming mga advocacy at tutulong talaga sila sa mga charitable organization.”
Bukod sa mga obligasyon sa Noble Queen Universe Organization at sa kanilang wellness clinic, hindi tinitiyak ni Patricia na hindi ito nawawalan ng panahon para sa kanyang asawa at dalawang anak.
Read: Patricia Javier: hands-on mom, businesswoman, reigning beauty titlist
Ngayon pa lang, nakikita na ni Patricia na puwedeng sumunod sa yapak niya sa showbiz si Robert IV, ang kanyang panganay na anak.
Fifteen years old pa lamang si Robert IV pero 5’10" na ang height kaya maagang nagkaroon ng modeling career.

“Nakikitaan ko na si Robert IV ng potensiyal. Sumasali na siya sa mga fashion show.
“At the same time, magaling yung bata sa music, sa piano, gitara, so nakikita ko yung pagiging artist niya,” ang kuwento ni Patricia tungkol sa kanyang anak.
Pero gusto muna niyang maging matatas sa pagsasalita ng Tagalog ang anak bago iito pumasok sa showbiz.