Hindi tinanggap ni Cristina Gonzales ang mga alok na sumali sa mga national beauty pageant noong teenager pa siya dahil ayaw niya ng stress.
Pinili ni Cristina na maging artista, at tama ang kanyang desisyon dahil siya ang top sex symbol noong dekada ’90.
“Ayoko talaga. Takot ako kasi nga alam ko yung stress.
"At least, kapag showbiz, sa movies, hindi masyadong stressful.
"I mean, stressful also pero walang competition. Hindi ka iiyak, luhaan, kasi natalo,” pahayag ni Cristina sa send-off presscon sa kanya ng Respect Noble Queen of the Universe Ltd. Inc. na ginanap sa isang events place sa Quezon City kahapon, December 18, 2022.
Si Cristina ang kinatawan ng Visayas sa coronation ceremony ng 4th Noble Queen of the Universe na idaraos sa December 29 sa Tokyo Prince Hotel, Tokyo, Japan.
Tinanggap ni Cristina ang alok ng kapwa aktres at Miss Noble Queen Universe 2019 na si Patricia Javier na maging representative ng Visayas sa 2022 edition ng advocacy-based beauty pageant dahil aktibo rin siya sa mga charity work.
Read: Patricia Javier, kinoronahang Noble Queen of the Universe 2019
Pahayag ng dating Tacloban mayor, “It’s a whole new world for me. Actually, it’s a very positive experience.
“I was never really exposed sa mga pageant. Exposed lang ako sa movies, acting, singing, so parang nakakanerbiyos. Ayoko yung stress ng competition.
“But then, Patricia encouraged me. It’s more of a charity, which I’ve been doing for many years as a councilor, as Tacloban mayor.
“Medyo magagamit ko whatever crown I get in Japan. I will be continuing my work with Noble Queen Foundation and in doing a lot of charity works.
“Maganda siya, it’s still philanthropy, which is in line with what I’ve been doing sa public service.”
Ang nalalapit na coronation ceremony ng 4th Miss Noble Queen Universe ang pinaghahandaan ni Cristina kaya regular ang pagpunta niya sa gym at pagpaplano sa mga mga damit na kanyang gagamitin.

“I go to the gym, I diet, I try to keep myself looking presentable. Planning also kung ano yung mga gown na gagamitin ko sa Japan,” sabi ni Cristina.
Natutuwa si Cristina dahil suportado ng kanyang mga anak ang beauty pageant journey niya.
“In fairness to my kids, they don’t really stop me. They know I’m in showbiz, They’re so used to it as long as I have enough time to spend with them, it’s okay.
“My kids are grown up, 23 years old and 19 years old. I need to keep myself busy also which is also healthy for me.
"So, nakakatuwa na once in a while, may mga isinu-shoot pa rin ako na movies and series. Pinipili ko lang talaga," saad niya.