Give credit where credit is due.
Mali ang mga akala na ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang original singer ng awiting "Ikaw."
Ang Megasar na si Sharon Cuneta ang original singer ng kanta na ginamit na theme song ng 1993 movie ng Viva Films na may kaparehong pamagat at pinagbidahan nina Sharon at Ariel Rivera
Nag-record si Regine ng sariling bersyon niya ng "Ikaw" noong 1998 at kasama ito sa Drawn, ang kanyang 11-track album na inilabas ng Viva Music Group noong 1998.
Kaya hindi totoo ang caption ng isang online site na si Regine ang umawit ng kantang unang pinasikat ni Sharon.
“Singer-actress Sharon Cuneta performs Regine Velasquez’s “Ikaw” with viral pianist Vidalita "Lolo Bong" Infante at a mall in Makati on Sunday,” caption ng online site sa larawan ni Sharon at ng 72-year-old veteran pianist na kuha sa Powerplant Mall, sa Makati City, noong Linggo, December 11, 2022.
Importanteng ituwid ang pagkakamali sa lumabas na caption para malaman ng lahat ang katotohanan at para hindi masaktan ang kalooban ni Sharon, tulad nang awitin ni former presidential chief legal counsel Atty. Salvador Panelo sa isang campaign sortie, noong March 2022, ang hit song niyang "Sana’y Wala Nang Wakas."
Read: Sharon Cuneta apologizes, admits mistake in previous post about Panelo
Ang asawa ni Sharon na si former Senator Kiko Pangilinan ang isa sa mga nag-post sa social media tungkol sa pagpunta nila sa Powerplant Mall para sorpresahin si Lolo Bong.
Ikinabulabog at ikinatuwa ito ng mallgoers na libreng nakapanood sa impromptu show ng Megastar.
Kuwento ni Kiko: “Sinamahan namin ang sweetheart ko para isorpresa si Tito Bong — a regular pianist sa Rockwell Power Plant Mall. Lagi kasi n’ya tinutugtog ang mga kanta ni Sharon tuwing Sunday.
“During the pandemic, Tito Bong went viral for playing the piano for almost 2 hours to raise money for his medicines…
“At the time, seniors like Tito Bong weren’t allowed to go outside. So we sent him a little help for him to get by.
"We are so happy to see him playing the piano again in person.”
Napalundag sa galak si Lolo Bong dahil sa sorpresang natanggap niya mula sa mag-asawa.