Nagbigay-pugay ang Family Feud Philippines sa pumanaw na singer na si Jovit Baldivino sa pamamagitan ng isang post sa kanilang official Facebook page.
Ang game show ng GMA-7 ang huling television appearance ni Jovit nang maging celebrity contestant siya sa November 28, 2022 episode ng popular program ni Dingdong Dantes.
Related Stories:
- Singer Jovit Baldivino dies at 29
- Jovit Baldivino’s family confirms singer was in coma five days before his death
- Kiray Celis airs frustration about being a performer following Jovit Baldivino's death
- Showbiz personalities, nagluluksa sa pagpanaw ni Jovit Baldivino
“Hanggang sa muli, Jovit! Masaya kami dahil napasaya ka namin dito sa Family Feud. Maraming-maraming salamat-hindi ka namin makakalimutan,” mensahe ng pamamaalam kay Jovit ng mga bumubuo ng Family Feud.
Pero dapat naging maingat ang Family Feud sa paggamit ng pangungusap na "Hanggang sa muli" dahil kung iisiping mabuti, namatay na nga ang singer kaya hinding-hindi na mauulit o mangyayari ang paglabas nito sa kanilang game show.
Nagsimula ang singing career ni Jovit nang ideklara siyang grand champion sa Season 1 ng Pilipinas Got Talent noong June 2010.
Read: Former siomai vendor Jovit Baldivino is Pilipinas Got Talent's grand prize winner
Pero sa kabila ng mahigit isang dekadang pagiging aktibo sa entertainment industry, may mga nagkakamali pa rin sa spelling o pagbaybay sa kanyang pangalan at apelyidong Baldivino. "Baldovino" minsan ang isinusulat ng ibang mga tao.
Ibinalita sa isang primetime news program ang pagpanaw ni Jovit ngayong Biyernes, December 9, 2022. Kapuna-puna ang maling pagbigkas ng news anchor sa pangalan ng namayapang mang-aawit na tinawag niyang “Hovit.”
Hindi ito ang unang pagkakataong sumablay ang news anchor sa pronunciation ng pangalan ng mga personalidad na ibinabalita niya.
Noong September 2022, nagkamali ang news anchor sa pagbigkas sa pangalan ng isang miyembro ng BTS kaya ikinabahala niyang baka batikusin siya ng fans ng sikat na K-pop group.
Naubos ang pasensiya ng news anchor dahil sa sobrang frustration nang hindi sabihin sa kanya ng mga sangkot sa programa ang tamang pronunciation sa pangalan ng BTS member.
Dahil sa mga naturang insidente, nararapat lamang na bago ang airing ng mga live TV show, obligasyon ng production staff, lalo na ng writer ng news program, na bigyan ng tagubilin o briefing ang news presenters para maiwasang malagay sa alanganing sitwasyon ang bawat isa.
May mga pagkakataong hindi kilala ng mga news anchor ang mga artista o personalidad na kanilang ibinabalita kaya responsibilidad ng production staff na gabayan sila.