PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens, ipinagtanggol si Dina Bonnevie laban kay Alex Gonzaga

Si Dina Bonnevie ba ang tinutukoy ni Alex Gonzaga na "artistang matanda"?
by Jojo Gabinete
Published Dec 8, 2022
dina bonnevie alex gonzaga issue
Kumbinsido ang karamihan ng netizens na ang award-winning actress na si Dina Bonnevie (left) ang tinutukoy ng TV host-vlogger na si Alex Gonzaga (right) na "artistang matanda" na diumano’y nagdulot sa kanya ng trauma dahil pinagsisigawan siya mula ulo hanggang paa, sa set ng television series na ginagawa nila noon.
PHOTO/S: TV5 Facebook / @cathygonzaga on Instagram

Hindi pinangalanan ni Alex Gonzaga ang "artistang matanda" na diumano’y nagdulot sa kanya ng trauma dahil pinagsisigawan siya mula ulo hanggang paa, sa set ng television series na ginagawa nila noon.

Pero kumbinsido ang netizens na ang award-winning actress na si Dina Bonnevie ang tinutukoy ng 34-year-old TV host-vlogger.

Read: Is Alex Gonzaga referring to Dina Bonnevie as the "artistang matanda" who scolded her on the set?

Ibinahagi ni Alex ang hindi nito malilimutang karanasan sa kanyang podcast dahil sa paniniwala niyang siya ang pinatutungkulan ng "artistang matanda" sa mga interbyu nito tungkol sa engkuwentro niya sa isang pasaway na young actress na nakatrabaho niya noon.

Read: Dina Bonnevie recalls confronting bratty young actress: "Talagang... I gave her hell."

Read: Dina Bonnevie speaks up about "annoying" newbies

Read: Dina Bonnevie confronts co-stars with diva attitude: "Hindi ko kayang magpaka-plastic."

Siya man o hindi ang tinutukoy ni Alex na "artistang matanda," hindi na kailangang sumagot o magsalita si Dina dahil mismong ang netizens ang nainsulto para sa kanya at ipinagtatanggol siya laban sa TV host-vlogger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wagas at matitindi ang mga reaksiyon at masasakit na komento ang ipinupukol ng netizens kay Alex dahil sa hindi umano nito pagpapakita ng respeto kay Dina.

Kinampihan ng karamihan ng netizens si Dina dahil sa kabila ng pagkakaroon ng prangka at mataray na imahe ng 61-year-old actress, may pagpapahalaga raw ito sa kanilang propesyon at paggalang sa kapwa niya artista.

alex dina comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

alex dina comments

alex dina commens

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

alex dina comment

Muli naming napatunayan ang pagkakaroon ng wisdom o karunungan ni Dina sa aming interbyu sa kanya sa face-to-face press conference ng Kalye Kweens, ang sitcom nila ni Alma Moreno sa TV5, noong September 2022.

Sinagot niya ang lahat ng mga isyu sa maayos at matalinong paraan kaya wala kaming nakikitang dahilan para mainsulto siya sa "artistang matanda" na pagtukoy sa kanya ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Thirty-four years old na si Alex at ilang taon na lamang, mararanasan na rin niya ang maging "artistang matanda."

Pagdating ng panahon na iyon, maaaring mapagtanto niyang hindi kasalanan ang pagtanda at isa itong badge of honor, lalo na kung may pinagkatandaan ang isang tao.

Mabuti sigurong ipaalaala kay Alex na tumatanda ang lahat ng mga tao. Tiyak na alam niya ito dahil may mga edad na rin ang kanyang mga magulang.

Sa aming palagay, hindi dapat gawing katawa-tawa o ginagamit na subtle insult ang pagtawag na "matanda" sa kanyang mga nakakasalamuha na tinuturuan lamang siya ng pagpapahalaga sa oras at propesyunalismo sa trabaho.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumbinsido ang karamihan ng netizens na ang award-winning actress na si Dina Bonnevie (left) ang tinutukoy ng TV host-vlogger na si Alex Gonzaga (right) na "artistang matanda" na diumano’y nagdulot sa kanya ng trauma dahil pinagsisigawan siya mula ulo hanggang paa, sa set ng television series na ginagawa nila noon.
PHOTO/S: TV5 Facebook / @cathygonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results