PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lyca Gairanod, isinapubliko na ang pagkakaroon ng boyfriend

Eight months na ang relasyon ni Lyca at ng kanyang boyfriend na si Kyle Walle.
by Jojo Gabinete
Published Dec 1, 2022
lyca gairanod boyfriend
Lyca Gairanod finally introduces her boyfriend, Kyle Walle, to the public during her 18th birthday celebration on November 21, 2022. According to the singer, they made their relationship official last March 2022.
PHOTO/S: Lyca Gairanod Fanpage Facebook

Hinintay lamang ni Lyca Gairanod ang 18th birthday niya noong November 21, 2022 bago niya ipinakilala sa publiko ang kanyang boyfriend na si Kyle Walle, 17.

Si Kyle ang escort ni Lyca sa debut party na ginanap sa isang resort sa Tanza, Cavite noong November 26.

Siya rin ang kasama ng young singer-actress sa pagbubukas ng 50th branch ng Botejyu Japanese restaurant sa Venice Grand Canal Mall, Taguig City, kahapon, November 29.

Read: Lyca Gairanod, natuloy ba ang joint birthday celebration nila ni Karen Davila?

Nakaagaw ng atensiyon namin ang magkahawak-kamay na pagdating ng dalawa dahil hindi na nila inililihim ang pagmamahalan bilang nasa legal age na si Lyca at aprubado ng mga magulang ng singer ang kanilang relasyon.

“March 2022 po,” sagot ni Lyca nang aming itanong kung kailan naging opisyal ang girlfriend-relationship nila ni Kyle.

Sa press conference ng Kalye Kweens ng TV5 noong September 28, naging maingat si Lyca sa pagsagot nang tanungin kung tatanggap na siya ng mga manliligaw sa edad na 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Soon!” ang hindi kumportableng sagot ni Lyca.

Lumilitaw na boyfriend na niya noon si Kyle.

Nagsalita si Lyca sa presscon ng Kalye Kweens na kung sakaling makikipagrelasyon siya, pipiliin niya ang lalakeng susuportahan ang lahat ng kanyang mga ginagawa.

Malinaw na taglay ni Kyle ang katangiang hinahanap ng young singer-actress.

Si Marco Gallo ang program host at isa si Lyca sa mga performer sa pagbubukas ng Botejyu.

Dinaluhan din ito ng iba pang mga artista ng Viva Artists Agency gaya nina Andre Yllana, Katya Santos, Andrea del Rosario, Patricia Javier, Lance Raymundo, at Wilbert Ross.

marco gallo host

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang kamalay-malay si Marco na napansin at pinuri ng ibang mga bisita ang kanyang husay sa pagdadala ng patung-patong na pinggan nang kumuha siya ng pagkain mula sa buffet table.

Hindi iyon madali pero nagawa niya na walang kahirap-hirap dahil naranasan ng 21-year-old actor na magtrabaho noon sa Italy bilang waiter.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lyca Gairanod finally introduces her boyfriend, Kyle Walle, to the public during her 18th birthday celebration on November 21, 2022. According to the singer, they made their relationship official last March 2022.
PHOTO/S: Lyca Gairanod Fanpage Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results