PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: Actress ends same-sex relationship

Pamilya ng aktres, idinalanging matapos na ang relasyon nito sa kapwa babae.
by Jojo Gabinete
Published Nov 29, 2022
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Masayang-masaya ang pamilya ng aktres nang tapusin nito ang pakikipagrelasyon sa kapwa babae dahil hindi sila boto sa pagmamahalan ng dalawa.

Alam ng pamilya ng aktres ang same-sex relationship na pinasok niya dahil siya mismo ang umamin.

Tutol na tutol ang mga kamag-anak ng aktres sa karelasyon nito, lalo na ang kanyang magulang na apektadong-apektado. Pero hindi sila nawalan ng pag-asang darating ang araw na matatapos ang pakikipag-ugnayan ng kanilang anak sa kaparehong kasarian.

Sa isang out-of-town trip ng pamilya, sinundo ang aktres ng kanyang kaibigang artista para yayaing kumain sa labas.

Nasaktan ang mga magulang ng aktres nang malaman nila ang katotohanang nakipagkita ang kanilang anak sa girlfriend nito at ginamit lamang ang kaibigang artista para payagan siyang umalis mula sa tinutuluyan nilang bahay.

Pero hindi sumuko ang pamilya ng aktres na naging sandigan ang mga taimtim na dasal na dumating sana ang araw na magwakas na ang relasyon na kanilang tinututulan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinakinggan ng langit ang mga dasal ng mapagmahal na pamilya ng aktres dahil isang araw, nakarating sa kanila ang balitang hiwalay na ang dalawa.

Tuwang-tuwa ang mga kamag-anak ng aktres sa nangyari.

Kampante silang hindi na magkakaroon ng ikalawang yugto ang relasyong hindi nila matanggap dahil maligayang-maligaya ngayon ang aktres sa kanyang heterosexual relationship.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results