Natuloy ang pagsasampa ni K Brosas ng demanda laban sa contractor na inakusahan niya noong September 2021 ng pagtangay sa malaking halaga ng pera para sa kanyang ipinatatayong bahay.
Read: K Brosas files complaint vs house contractor for alleged breach of contract worth PHP7 million
Dahil nasa korte na ang kaso, limitado ang pahayag ng co-host ng Sing-Galing ng TV5.
“Nasa korte na. Hindi puwedeng gawin yun sa akin.
"Mabait tayong tao, in fairness, pero may ugali na hindi puwedeng si Lord ang bahala sa kanya,” sabi ni Kai nang makausap siya ng Cabinet Files, ilang oras bago mag-umpisa ang entertainment caravan ng Cignal Entertainment sa isang mall sa San Jose del Monte, Bulacan noong Sabado, November 19, 2022.
Natapos na ang bahay na ipinagawa ni K at nakalipat na sila ng kanyang anak na si Crystal kaya masayang-masaya siya dahil nakita niya ang bunga ng lahat ng mga pagsisikap at sakripisyo.
Read: K Brosas moves into new house; remembers "milyon ang nawala" from past contractor
Nang ideklara ang lockdown sa Metro Manila noong March 2020, kabilang si Kai sa mga nawalan ng trabaho. Pero hindi umano ito nagtagal dahil binigyan agad siya ng TV5 at ng Cignal Entertainment ng mga programa.
Saad niya, “First few months wala talaga dahil sa lockdown, pero salamat binigyan ako ng TV5 ng chance. Thank you Lord kasi masipag tayo.
“Ganoon lang naman tayo, na-try ko na lahat—ABS-CBN, GMA-7, TV5, pati QTV... Animal Planet na lang ang kulang.
“Never akong naging exclusive so wala akong bad blood, wala akong problema sa network.
“Ang masasabi ko lang, ang TV5, ang Cignal Entertainment, sobra akong grateful sa kanila kasi sila ang may pinakamaraming ibinigay sa akin na labada.”
Magiliw na magiliw si K sa mga child contestant ng Sing-Galing Kids.
Saad niya, “Nakakaloka yung mga bata. Nakakaloka talaga sila. Ang term nga ni Gloc-9, nakakasira ng ulo.
“Lagi akong emosyonal. Lagi akong iyak nang iyak kasi bata ito na kapag kumanta ng isang kanta na hindi ako apektado, hindi ako nakaka-relate pero napaiyak mo ako, iba yun, e. Dun ako naiiyak.
"Grabe naman itong mag-convey ng message at a very young age.
“Nakakatuwa yung mga bata dahil sa hotel sila naka-lock in. Nagiging magkakabarkada sila. Walang rivalry.
“Minsan, ayaw nilang manalo. Nagtuturuan sila kung sino ang mananalo, ‘ikaw na ‘yan.’ Tapos nagyayakapan sila.
"Nakakatuwa ang friendship nila."
Dagdag pa ni K, "Sobrang malapit talaga sa puso ko ang Sing-Galing Kids. "
Ang pagkagiliw sa mga bata ang dahilan kaya inisip noon ni K na masundan ang kanyang nag-iisang anak na babae na imposible nang mangyari dahil 47 years old na siya.
“Matagal ko nang plano, gusto kong ipa-freeze ang eggs ko, ang mahal lang.
“Forty-seven na ako, mahihirapan nang magbuntis.
"Okay naman ako sa anak ko. Okay kami. Masaya kami.
"Imagine, kung nagkaanak ako in the middle of all these, tingin niyo ba maitatayo ko pa ang bahay ko, tapos walang ama?” sabi ni K.