Ang Center Stage Productions ni 2009 Cannes Film Festival best director Brillante Mendoza ang producer ng remake ng Alapaap, ang 1984 drama thriller film na pinagbidahan ni William Martinez at mula sa direksyon ng pumanaw na direktor na si Tata Esteban.
Si Freidric Macapagal Cortez ang direktor ng 2022 version ng Alapaap na napapanood sa kasalukuyan sa Vivamax at ang newcomer actor na si Ali Asistio ang gumanap sa karakter na binigyang-buhay noon ni William.
Official entry sa 10th Metro Manila Film Festival noong December 1984 ang Alapaap at wala pa noon sa mundo si Ali dahil June 30,1996 ang araw ng kanyang kapanganakan.

“Hindi ko pa po napapanood ang original na Alapaap but if the role given to me was played by William Martinez before, it’s such an honor for me dahil alam naman po natin na napakagaling na artista ni Sir William.
“I hope nabigyan ko po ng justice yung character because when we watched it, goosebump [ang pakiramdam] kasi po nagbunga po ang lahat ng aming mga pinaghirapan at nakaka-proud na maging part ng movie created by Brillante Mendoza.”
Baka mahiya ang original stars ng Alapaap kapag napanood nila ang remake ng kanilang pelikula dahil sa graphic sex scenes at mas palaban na paghuhubad ng mga artista.
Lalo na ang foreign actor na si Luke Selby na pumayag na magkaroon ng actual “self-gratification” scene kaya bumilib sa kanya si Ali.
“Napabilib po ako sa lakas ng loob at dedication ni Luke Selby. Magkaiba po kami ng mga ibinigay sa movie at sa palagay ko, parehas naming ibinuhos ang lahat ng aming makakaya,” ang sabi ni Ali.
Sa tanong kung kaya niya ang kapangahasan na ipinamalas ni Luke sa Alapaap, “Wala naman po akong inaatrasan pagdating sa larangan ng acting.
“Handa po ako sa kung ano man ang kailangang gawin para mapaganda ang isang proyekto,” ang sagot ng 26-year-old actor na nag-umpisa ang showbiz career nang maging miyembro siya ng Walang Tulugan with the Master Showman, ang dating program sa GMA-7 ng yumaong television host and starmaker na si German Moreno.
Sina Ken Chan, Teejay Marquez, at ang magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez ang ilan sa mga kasabayan ni Ali sa Walang Tulugan.
Ngayong nagbibida na siya sa mga pelikula, desidido si Ali na magsumikap at pagbutihin ang pag-arte dahil hindi niya basta hahayaan na mawala ang mga oportunidad sa showbiz na kanyang matagal na hinintay.
Nagmula si Ali sa political family ng mga Asistio at aminado siya na nabigla ang kanyang mga kamag-anak nang mapanood ang mga frontal nudity at mapupusok na eksena sa pelikula na tinampukan niya.
“Nagulat po sila nung una pero napakaganda raw po ng quality ng movie at maganda rin daw po ang kuwento.
“Gulat na gulat din po sila sa performance ko pero very supportive sila sa akin.
“Marami po ang na-curious kung paano namin ginawa ang mga eksena [orgy scene], sinabi ko lang sa kanila na professional kaming lahat sa set.
“I respect the girls during the love scenes shoot. I always tell and ask them first kung ano man ang mga gagawin ko at kung okey lang ba dahil gusto ko na kumportable sila kapag ginagawa na namin ang scenes.”