PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kuh Ledesma struggles in career and personal life

Kuh, natuwa kina Jaya at Pops. Hindi katulad ng mga nakatrabaho niya noon.
by Jojo Gabinete
Published Nov 19, 2022
Kuh Ledesma in concert. Inset: Kuh with Jaya, and Pops Fernandez.
Natuwa sa performance at resulta ng concert nina Kuh Ledesma, Jaya, at Pops Fernandez ang vice-president ng Fantasy Springs Casino sa Coachella, California, USA, kaya't kinausap sila nito para muling magtanghal sa naturang lugar.

Nagpapasalamat ang Pop Diva na si Kuh Ledesma dahil sina Pops Fernandez at Jaya ang mga kasama niya sa 3 Divas, ang highly-successful concert nila noong November 12, 2022 sa Fantasy Springs Casino sa Coachella, California, USA.

Importante kay Kuh na kumportable siya sa mga makakatrabaho para maging masaya siya at ganito ang nangyari sa nakaraang concert nila nina Pops at Jaya.

Napakaganda ng resulta ng kanilang concert, kaya kinausap sila ng vice-president ng Fantasy Springs Casino para bumalik at muling magtanghal sa naturang lugar.

“I am just so grateful to the Lord that Pops and Jaya are my partners because they understand. They have been there where I have been. They’ve experienced pain in their lives and alam ko rin kung sino ang sinasandigan nila.

“That’s a big thing for me because I’ve been through a lot of productions where I myself produced and I was pained by other artists, we will not mention their names, pero nakakalungkot na ginagawa mo ang lahat to make the show better.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You choose them 'tapos nagkakaroon pa ng ungratefulness at experiences na dumarating sa shows na sana hindi na.

“But now, maturing in this business, after all 48 years na yata ako sa business ‘coz I was even a late bloomer pero I realized na it’s not all about money.

“When we are asked to do combinations, I would rather choose the people that I work with because ayokong malungkot kapag nagpe-perform ako.

"Gusto ko masaya ako sa mga tao na kasama ko,” pahayag ni Kuh na alam ng lahat na malaki ang pagpapahalaga sa kanyang private life, pero unti-unti nang nagsasalita tungkol sa mga pinagdaanan noong nagsisimula pa lamang siya na singer.

Ang paglalantad ng showbiz-oriented television program na Movie Patrol tungkol sa buhay ng kanyang ama na namamasada ng pampasaherong jeep at ang estranged relationship nila ang maituturing na pinakamatinding kontrobersya na naranasan ni Kuh noong nag-uumpisa pa lamang ang singing career niya noong dekada ’80.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mainit na pinag-usapan ang isyu na humantong sa boycott ng PANA [Philippine Association of National Advertisers] sa Movie Patrol na naging dahilan ng pagsasara ng showbiz-oriented talk show noon ng GMA-7.

Ang nabanggit na pangyayari ang ikinuwento ni Kuh sa virtual interview sa kanya na naganap nitong Biyernes, November 18, 2022.

Walang mababakas na sama ng loob sa boses ni Kuh habang nagkukuwento, dahil tulad ng madalas na sinasabi ng legendary singer, ang personal na relasyon niya sa Diyos ang nakapagpabago sa kanya.

“For me, life will always have challenges. There will always be mga things along the way that will cause us to sometimes feel the bump and minsan, ang bump can be very painful.

“But if our life is centered with Christ, kakayanin natin ang lahat. Kailangan meron tayong sinasandalan na mas malaki kesa sa atin.

“I thank God that what I went through in life, kahit noon as a beginner in the business, I already have challenges with my father who never took care of us pero that was a big one that happened in my life.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“It was very painful but then, yung time na iyon, I had friends who supported me.

“My husband was there pero ngayon, kahit mas malaki pa ang nae-experience ko sa buhay, kapag meron tayong relasyon na personal with our Lord and Savior Jesus Christ, hindi mo na iisipin yung problema. Itatapon mo na lang sa Kanya.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natuwa sa performance at resulta ng concert nina Kuh Ledesma, Jaya, at Pops Fernandez ang vice-president ng Fantasy Springs Casino sa Coachella, California, USA, kaya't kinausap sila nito para muling magtanghal sa naturang lugar.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results