“I’m following her footsteps!” pilyang reaksiyon ni Andrea Garcia, ang 22-year-old granddaughter ng veteran actress na si Marissa Delgado.
Si Marissa ang kauna-unahang Pilipina na itinampok sa "Best of the Orient Girls" feature ng international Playboy noong December 1968.
Read: Marissa Delgado graduates from college at age 65

Nagbiro si Andrea na sinusundan nito ang yapak ni Marissa na unang Pilipina na naghubad para sa pahina ng Playboy kaya nagpapaseksi rin siya sa mga pelikula ng Vivamax.
Maiintindihan ang masidhing hangarin ni Andrea na maging artista dahil ang kanyang ama ay ang former child actor na si Seigfried Garcia, anak ni Marissa at dating napapanood sa children’s gag show na Kaluskos Musmos.
Nang magbinata si Seigfried, nagpalit ito ng pangalan at ang screen name na Kevin Delgado ang ginamit niya nang maging aktibo siya sa showbiz noong dekada ’90.
Ayon kay Andrea, suportado ng kanyang Lola Marissa ang pagpasok niya sa showbiz, pero tutol na tutol noon si Kevin sa kanyang mga sexy project.
Kuwento ng sexy star, “She’s really supportive, ever since I was young, siya ang nagbibigay sa akin ng lahat ng advice with showbiz, with acting.
“Sa kanya kasi, ako ang mindset ko rin, when I do something, I wanna at least give a 100 percent.
"So, noong nag-decide na ako na, okay, magpapaseksi na ako, then I really gonna give it my all. Hindi lang sa all sa pagpapaseksi kundi all sa pag-arte. I might as well be remembered for how good I am.
“Ever since I was a child, I’ve been doing acting workshops to get into showbiz talaga. So when Viva gave me the opportunity to do sexy movies, noong una, ayaw ko pa.
"Kasi siyemprem my grandma, parang magagalit yun, and then my dad is so strict. Pero na-surprise na lang sila, nag-sign ako with Viva.”
Nagsimula ang showbiz journey ni Andrea noong 2021.
Pagpapatuloy niya, “My dad, Kevin Delgado, hindi po siya pumayag. Initially he got mad kasi my dad is really strict and conservative.
"Pero afterwards, he sees naman na Viva’s taking care of me and giving me continuous projects, mukhang naging okay naman ang path ko sa showbiz. He’s supportive na."
ASPIRING BEAUTY QUEEN
Bukod sa pagiging artista, nangangarap si Andrea na magkaroon ng beauty title.
Hindi naman ito nakapagtataka dahil tiya niya si Marie Avon Boyle, ang anak ni Marissa at kapatid ni Kevin na kinoronahang Bb. Pilipinas Tourism 1987.
“That’s an interesting question,” reaksiyon ni Andrea nang itanong ng Cabinet Files ang plano niya tungkol sa pagsali sa mga beauty pageant.
“That’s an interesting question kasi prior to Viva, I was supposed to join Miss Universe Philippines this coming season.
"And my Tita Avon is there to guide me naman and yun din ang path na parang gusto ng dad ko, instead of showbiz.
“Unfortunately, I can’t join na, kasi I think once you show skin, you’re not allowed.
“I think I might be joining Miss Global. We’re still checking to see if puwede nga if puwede nga magpaseksi.
"I really do want pageantry pero Vivamax na muna."
Ang sexy thriller movie na Alapaap at ang Vivamax original series na Secrets of a Nymph ang ilan sa mga skin-baring project ni Andrea.
Sa pamilya nila, hindi lamang siya ang umaarte dahil artista na rin ang kanyang kapatid na si Jet Delgado, na may mga pelikulang ginagawa para sa streaming site ng Viva Entertainment.