PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jodi Sta. Maria, Richard Yap reunite in ABS-CBN-GMA project

Teleserye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, ipalalabas sa GMA-7.
by Jojo Gabinete
Published Nov 11, 2022
jodi richard reunion project
Pagkatapos ng walong taon ay muling magtatambal sa isang teleserye ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria at ang Kapuso actor na si Richard Yap (kaliwang larawan) sa unang proyekto ng ABS-CBN at GMA-7. Sa kanang larawan ay makikita ang ABS-CBN executive na si Cory Vidanes (kaliwa) at GMA-7 executive Annete Gozon-Valdes (kanan) sa meeting ng dalawang networks para sa nasabing proyeko na may pamagat na "Unbreak My Heart."
PHOTO/S: Twitter

May dahilan para magbunyi ang masusugid na tagahanga ng love team nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap dahil magkakaroon ng reunion project ang dalawa sa telebisyon.

Bagamat magkaiba na sila ng networks na kinabibilangan, magsasama muli sina Jodi at Richard sa teleseryeng mapapanood sa GMA-7.

Nabuo ang kinagiliwang love team nina Jodi at Richard nang magtambal sila sa Be Careful with My Heart, ang romantic-drama series na sinubaybayan sa Kapamilya Network mula July 9, 2012 hanggang November 28, 2014.

be careful with my heart cast

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong December 16, 2020, lumipat si Richard sa GMA-7 kaya nawala ang pag-asa ng supporters nila ni Jodi na magkakasama pa sila sa isang TV series.

Read: Richard Yap signs up with GMA Artist Center, leaves ABS-CBN after 9 years

Pero mali ang kanilang akala dahil kasado na ang proyekto ng dalawa.

Muling mapapanood sa telebisyon sa 2023 ang love team nina Richard at Jodi dahil sa partnership deal ng GMA Network at ng ABS-CBN.

Hindi pa naglalabas ng official statement ang magkabilang-panig tungkol sa proyektong gagawin nila, pero nauna nang kumalat ang larawang kuha mula sa meeting na nangyari ngayong linggo at dinaluhan nina Cory Vidanes, Chief Operating Officer for Broadcast of ABS-CBN, at Atty. Annette Gozon-Valdes, Senior Vice Presdient of GMA.

Makikita sa LED backdrop ng pagtatagpo nina Vidanes at Gozon-Valdes ang mga logo ng GMA-7, ABS-CBN, at ng production company na Dreamscape Entertainment.

cory vidanes annette gozon-valdes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cory Vidanes (left) and Annette Gozon-Valdes

Ang Dreamscape ang entertainment division ng Kapamilya Network at producer ng Ang Probinsyano, May Bukas Pa, Flower of Evil, The Broken Marriage Vow, at marami pang iba.

Kinumpirma sa Cabinet Files ng isang nakakaalam sa kuwento na tuloy na tuloy na ang reunion project nina Jodi at Richard sa telebisyon na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment at ipalalabas sa GMA7.

Nakalagay rin sa LED backdrop ang pamagat na Unbreak My Heart na ipinapalagay na magiging titulo ng upcoming romantic TV series nina Jodi at Richard.

At dahil joint project ng Kapamilya at Kapuso Network ang Jodi-Richard starrer, tiniyak ng PEP source na mga artista ng GMA-7 at ABS-CBN ang makakasama ng magbabalik-telebisyon na love team.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng walong taon ay muling magtatambal sa isang teleserye ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria at ang Kapuso actor na si Richard Yap (kaliwang larawan) sa unang proyekto ng ABS-CBN at GMA-7. Sa kanang larawan ay makikita ang ABS-CBN executive na si Cory Vidanes (kaliwa) at GMA-7 executive Annete Gozon-Valdes (kanan) sa meeting ng dalawang networks para sa nasabing proyeko na may pamagat na "Unbreak My Heart."
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results