PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Murder case of Benz Sangalang's mother remains unresolved

Benz Sangalang recounts brutal murder of his mother.
by Jojo Gabinete
Published Nov 10, 2022 | Updated Nov 10, 2022
benz sangalang
Benz Sangalang, ipinapasa-Diyos ang parusa sa pumatay sa kanyang ina: “Nasa isip ko po rin ‘yan. Napag-uusapan din namin. Naiisip ko, pero katulad ng sinabi ko, ipagpasa-Diyos ko na lang. Bali-balita kasi, yung suspect, patay na rin daw. Kung namatay man siya, sigurado mas worst pa sa nangyari sa mama ko.”
PHOTO/S: Instagram

Hindi na nalutas ang kaso ng pagpatay kay Beth Portus, ang ina ng sexy actor na si Benz Sangalang.

Labing-anim na taon ang edad ni Benz nang mangyari ang malagim na pagpatay sa kanyang ina sa tahanan nito sa Pandi, Bulacan, noong October 1, 2012.

Makalipas ang sampung taon, hindi pa nagkakaroon ng hustisya ang pagpatay sa kanyang ina na tila dinaramdam ni Benz sa tuwing napag-uusapan.

“Naiwan po siyang mag-isa sa bahay namin kasi kakalipat lang ng stepfather at sister ko sa province kaya wala siyang kasama.

“Nagkataong may nakakaaway siya na kapitbahay namin na parang illegal ang trabaho, yung drugs.

“Pero siyempre, ayaw naman namin sisihin agad sila dahil wala kaming ebidensiya.

"Kinabukasan, nabalitaan ko na lang dinurog yung mukha niya. Dinurog ng baril," kuwento ni Benz nang balikan nito ang malungkot na nakaraan dahil sinagot niya ang mga tanong ng Cabinet Files sa kanya.

Pagpapatuloy niya, “Ang sabi, bago nangyari yun, may tatlong pulis na umaaligid sa bahay namin. May proteksiyon kaya walang nagsasalita tungkol sa nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ninakawan pa nga po nila ng mga alahas [ang nanay ko]. Yung cellphone niya, nawala na.

"Kumbaga, wala na talagang makukuhang ebidensiya pero hindi na namin inilabas katulad sa SOCO. Ipinagpasa-Diyos na lang namin."

Natutong mamuhay nang mag-isa sa murang edad si Benz dahil sa maagang pagkawala ng nanay niya.

Malaki at malungkot ang epekto kay Benz ng nangyari sa kanyang ina, pero nakatulong ito para matupad ang pangarap niyang pumasok sa showbiz.

Saad niya, “Naiwan na akong mag-isa sa buhay after nun. Hiwalay na sila ng daddy ko, tapos yung stepfather ko, nasa probinsya.

“Naging malaking bagay yun para i-push ko ang showbiz [career] kasi ito ang pangarap para sa akin ng nanay ko. Parang, ‘Kahit magpaseksi ka, okay lang.’

“Yun ang pinakamalaking epekto sa akin, masanay na magsarili sa buhay, kasi simula nang mamatay ang mama ko, wala na po talaga akong kasama. Naging independent na ako.”

BIGGEST PROJECT

Bilang baguhan, ang sexy-drama movie ng Vivamax na Secrets ang pinakamalaking proyektong natanggap ni Benz dahil sa karakter na ipinagkatiwala sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit walang sapat na karanasan sa pag-arte, nangibabaw at napansin sa Secrets ang acting ability ni Benz.

Aminado si Benz na ang nangyari sa kanyang ina ang pinaghuhugutan niya ng malawak at malalim na emosyon kapag umaarte siya.

“Totoo po yun, lalo na po siguro kung ibibigay sa akin yung mga role na may kinalaman sa nanay. Kahit na anong role, basta kailangan ko talagang may paghuhugutan ng sama ng loob.

“Iisipin ko lang yung nangyari, lalabas agad kung anuman yung hinanakit na kailangan kong ilabas sa eksena,” saad niya.

Napag-usapan ang traumatic past ni Benz dahil tungkol sa paghihiganti ang kuwento ng bagong pelikulang pinagbibidahan nila ni Angela Morena, ang Bata Pa Si Sabel, na malapit nang mapanood sa Vivamax.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pumasok sa isip ni Benz na makatutulong ang pagiging artista nito sa paghahanap ng hustisya para sa kanyang ina dahil ayaw niyang maghiganti, tulad ng istorya ng Bata Pa Si Sabel.

Pero sa huli, umiral ang taimtim na pananalig ni Benz sa Diyos kaya ipinaubaya niya sa Nasa Itaas ang pagpapataw ng parusa sa pumatay sa kanyang ina.

“Nasa isip ko po rin ‘yan. Napag-uusapan din namin.

“Naiisip ko, pero katulad ng sinabi ko, ipagpasa-Diyos ko na lang.

“Bali-balita kasi, yung suspect, patay na rin daw. Kung namatay man siya, sigurado mas worst pa sa nangyari sa mama ko.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benz Sangalang, ipinapasa-Diyos ang parusa sa pumatay sa kanyang ina: “Nasa isip ko po rin ‘yan. Napag-uusapan din namin. Naiisip ko, pero katulad ng sinabi ko, ipagpasa-Diyos ko na lang. Bali-balita kasi, yung suspect, patay na rin daw. Kung namatay man siya, sigurado mas worst pa sa nangyari sa mama ko.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results