PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angela Morena, Stephanie, at Micaella Raz on aunt Lara, Paolo

Magkakapatid na sexy stars, gustong magbida sa remake ng Virgin People.
by Jojo Gabinete
Published Nov 9, 2022
angela stephanie micaella
Sisters Stephanie Raz, Angela Morena, and Micaella Raz (left) consider their aunt Lara Morena and partner Paolo Bediones (right) their mentors when it comes to acting.
PHOTO/S: Vivamax / @mylaramorena on Instagram

Mga pamangkin ng former sexy actress na si Lara Morena ang magkakapatid na sina Angela Morena, Stephanie Raz, at Micaella Raz, ang lead stars ng upcoming Vivamax movie na Bata Pa Si Sabel.

Tulad ng kanilang tiya, ang pagpapaseksi sa pelikula ang ginamit na paraan nina Angela, Stephanie, at Micaella para makapasok sa movie industry.

Suportado ni Lara at ng boyfriend nitong si Paolo Bediones ang kanilang mga showbiz career.

Read: Tatlong pamangkin ni Lara Morena, sinundan ang kanyang yapak sa pagpapa-sexy sa pelikula

Ayon kay Angela, na tumatayo bilang spokesperson ng kanyang mga kapatid, hindi nagkukulang sina Paolo at Lara ng pagbibigay ng mga paalaala tungkol sa acting profession na pinasok nila.

Saad niya, “Ang advice naman lagi ni Tito Pao at Tita Lara, always put your feet on the ground, maging humble lagi and sobrang supportive nila. One hundred one percent na suportado sila sa amin.

"At kung may mga tanong kami, may mga lock-in shoot kami, bago kami magtrabaho, may mga pa-seminar sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mga mentor sila, may mga baon talaga kami. Laging may workshop. May mga throw lines, pina-practice talaga namin."

Kinumpirma ni Angela na binibigyan sila ng mga acting workshop ni Paolo, na isang mahusay na motivational speaker.

Regular na nakikita ng magkakapatid sina Paolo at Lara dahil naninirahan sila sa iisang building kaya madali sa kanila ang magsama-sama para sa mga seminar at workshop.

“We live in the same building pero magkaiba ng unit. Pero kapag Sunday, magkakasama kami. Family day, lagi ‘yan,” ani Angela.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, interesado ang magkakapatid na gawin ang remake ng mga kontrobersiyal na pelikula ng pumanaw na direktor na si Celso Ad Castillo, ang self-proclaimed Messiah ng Philippine Cinema—ang Virgin People at Snake Sisters.

Sabi ni Angela, “Actually po, may naka-line na film for us na, in real life, magkakapatid and then, sa pelikula, tatlong magkakapatid din.

“Yes, we’re open naman po if ibigay ng Viva sa amin [ang Virgin People].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sisters Stephanie Raz, Angela Morena, and Micaella Raz (left) consider their aunt Lara Morena and partner Paolo Bediones (right) their mentors when it comes to acting.
PHOTO/S: Vivamax / @mylaramorena on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results