PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jonas Gaffud, bumalik sa pinangyarihan ng Itaewon Halloween tragedy

South Korea Police, lalong nadiin dahil sa mga distress calls sa 119.
by Jojo Gabinete
Published Nov 2, 2022
jonas gaffud itaewon
Binalikan ni Miss Universe Philippines creative director Jonas Gaffud ang Itaewon District sa Seoul, South Korea kung saan naganap ang malagim na crowd crush noong October 29, 2022. Sa kanang larawan ay makikita ang "re-enactment" ni Jonas at ng kanyang kaibigang si Cheska Summer nang magkahiwalay sila dahil sa mga taong naggigitgitan sa makitid na eskinita sa Itaewon District.
PHOTO/S: Jonas Gaffud Facebook

Bumalik sa Itaewon District ng Seoul, South Korea ang Miss Universe Philippines creative director na si Jonas Gaffud.

Nag-alay siya ng bulaklak para sa mga nasawi sa malagim na crowd crush na nangyari sa pagdiriwang ng Halloween sa naturang lugar noong Sabado, October 29, 2022.

Kabilang si Jonas at ang kanyang pitong mga kasama sa nakaranas sa crowd crush, pero nakaligtas sila mula sa nakapanlulumong insidente na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 156 katao.

Noong Linggo ng umaga, October 30, ibinahagi ni Jonas sa Facebook ang kuwentong mahirap malimutan dahil personal nilang nasaksihan at naranasan ang pagsisiksikan ng mahigit 100,000 tao na dumayo sa Itaewon District para makisaya sa Halloween festivities.

Read: Jonas Gaffud recounts first-hand experience of Itaewon Halloween crush

Ngayong Miyerkules, November 2, bumalik si Jonas sa pinangyarihan ng insidente na ipinagluluksa ng buong mundo.

Nagkaroon din sila ng "re-enactment" ng kanyang kaibigan na si Cheska Summer, handler ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, nang magkahiwalay ang dalawa dahil sa mga taong naggigitgitan sa makitid na eskinita sa Itaewon District.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw ni Jonas, “Went back to where it started. If you look at the photos, we were at the Footlocker area where the end of the stampede was.

jonas gaffud itaewon

“We moved to the other area where Cheska Summer and I were holding hands, and we let go each other because of the force that pushed us to the ambulance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“This place during the Halloween was full or people, ambulance and firefighters. It felt so eerie just being there again.”

jonas gaffud itaewon

Nagbahagi rin siya ng mga larawang kuha nang bumalik sila ng kanyang mga kasama sa Itaewon District.

SOUTH KOREA POLICE

Ang kapabayaan ng South Korea Police ang sinisisi ng karamihan dahil nabigo umano ang mga itong kontrolin ang napakaraming tao na nagpunta sa Halloween celebration sa Itaewon District noong Sabado.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lalong nadiin ang South Korea Police dahil sa paglitaw ng transcript ng mga tawag sa 119, ang emergency hotline, na nagpatunay na 6:34 p.m. nang una nilang matanggap ang isang distress call tungkol sa mga nagsisiksikang tao sa Itaewon.

Pero lumipas muna ang apat na oras bago sila gumawa ng aksyon.

Nagkasunud-sunod ang tawag sa 119 Hotline mula 8:09 p.m., 8:33 p.m., 8:53 p.m., 9:00 p.m., 9:02 p.m., 9:07 p.m., 9:10 p.m., 9:51 p.m., hanggang 10:11 p.m.

Pero huli na nang kumilos ang mga pulis dahil marami na ang namatay at nasaktan.

Naiwasan sana ito kung naging mabilis ang kanilang pagresponde sa tawag sa hotline ng mga humingi ng tulong.

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binalikan ni Miss Universe Philippines creative director Jonas Gaffud ang Itaewon District sa Seoul, South Korea kung saan naganap ang malagim na crowd crush noong October 29, 2022. Sa kanang larawan ay makikita ang "re-enactment" ni Jonas at ng kanyang kaibigang si Cheska Summer nang magkahiwalay sila dahil sa mga taong naggigitgitan sa makitid na eskinita sa Itaewon District.
PHOTO/S: Jonas Gaffud Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results