PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MJ Cayabyab not challenging role in "Us x Her"

"I’m always the good friend. Sa movie na ito, it’s the same thing."
by Jojo Gabinete
Published Oct 22, 2022
mj cayabyab profile
MJ Cayabyab: “Even from my previous teleserye, I’m always the good friend. Sa movie na ito, it’s the same thing. Iba lang ng istorya but it’s always been the same. Suportado ko yung bida."
PHOTO/S: @mjcayabyab6 on Instagram

Hindi na maituturing na baguhan sa showbiz ang singer-actor na si MJ Cayabyab dahil nagsimula siyang gumawa ng pelikula noong 2014.

Bihira ang mga katulad niyang nagpapakatotoo at sinasabi ang tunay na saloobin.

Si MJ ay co-star nina AJ Raval, Angeli Khang, at Kiko Estrada sa Us x Her kaya kasama siya sa digital media conference ng pelikula na idinaos nitong Sabado ng gabi, October 22, 2022.

Read: Angeli Khang, wish mabawasan ang sexy scenes sa pelikula; AJ Raval, no-show sa presscon ng "Us x Her"

Nang tanungin tungkol sa mga hamon sa karakter na ginagampanan niya sa Us x Her, nakuha ni MJ ang atensiyon ng entertainment press dahil sa kanyang "brutally frank" na pagsagot.

Sabi niya, “I always get these kind of roles. Hindi na siya bago sa akin.

"My only wish is sana iba naman, yung matsa-challenge ako.

“Itong ginawa ko sa movie na ito, it was not challenging enough for me because parang lagi ko siyang ginagawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababakas sa pananalita nito ang nararamdamang frustration dahil kung hindi siya magpapakatotoo, baka habambuhay na best friend at sidekick ng bida ang mga papel na gagampanan niya sa pelikula at telebisyon.

Ayon kay MJ, "Yung wish ko na lang talaga, sana iba naman yung character. Yung masaya, yung sobrang effort, ganoon.

“Ang dami ko talagang characters in mind. I wanna do horror, I wanna do baliw characters. I wanna do a lot of characters na hindi ko pa nagagawa.

"Kasi, mostly ang ginagawa ko talaga is best friend, sidekick ng bida.

“Even from my previous teleserye, I’m always the good friend. Sa movie na ito, it’s the same thing.

"Iba lang ng istorya but it’s always been the same. Suportado ko yung bida.

“So, yun ang wish ko para sa sarili ko, yung makapag-play naman ako ng ibang characters.

"Yung very challenging talaga na, in a way, na grabe.”

Bumawi si MJ sa kanyang nakakaaliw na litanya nang igiit nito, “I’m not saying na my role here is easy pero gusto kong gawin yung hindi ko pa nagagawa. Ganyan lang ang goal ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MJ Cayabyab: “Even from my previous teleserye, I’m always the good friend. Sa movie na ito, it’s the same thing. Iba lang ng istorya but it’s always been the same. Suportado ko yung bida."
PHOTO/S: @mjcayabyab6 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results