PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paul Salas, Mikee Quintos on playing lovers in The Flower Sisters

May "confusion" daw kasi.
by Jojo Gabinete
Published Oct 16, 2022
Paul Salas in white shirt and off-white coat. Mikee Quintos, lips pucked, in red dress.
Challenge para sa magkasintahang Paul Salas at Mikee Quintos ang gumanap sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters dahil sa anila'y "confusion" na nararamdaman nila kanilang roles.
PHOTO/S: @paulandre.salas Instagram

Ang mga eksena nina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino, at Angel Guardian ang madalas na ipinakikita sa teaser ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Kaya nasurpresa ang mga miyembro ng entertainment press na imbitado sa nakaraang media conference ng bagong primetime drama series ng GMA-7 at ng Regal Entertainment Inc., sa pagdalo ng real-life couple na sina Paul Salas at Mikee Quintos.

May special participation ang dalawa sa The Flower Sisters dahil si Paul ang gumanap na young Lloyd Samartino at si Mikee ang love interest niya.

Sinabi ni Paul na masaya ito dahil magkasama sila ni Mikee sa isang television show at malaking karangalan na mapapanood siya sa third installment ng Mano Po Legacy series.

“Masaya hindi lang dahil katrabaho ko ang aking girlfriend, kundi growing up, pinapanood ko na po ang Mano Po at alam ko na bawat mga actor at actress na pumapasok sa show na ito e talagang magagaling at marunong sa pag-arte. Isang karangalan na mapasok po sa show na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinuturing ni Paul na malaking hamon ang partisipasyon nila ni Mikee sa The Flower Sisters dahil ito ang kanilang unang proyekto bilang magkarelasyon sa tunay na buhay.

“Challenge po para sa aming dalawa dahil first time namin na magkatrabaho as kaming dalawa, mag-girlfriend at boyfriend.

“Challenge po para sa akin dahil may mga adjustment sa first two or three taping days namin, pero maganda naman ang adjustments at sana po, hopefully, na-push through namin,” ang sabi ni Paul na pinaboran ni Mikee.

“I think yung struggles na nasasabi ni Paul, since it’s my first time na makasama sa set ng tao na dine-date ko, yung confusion.

“Confusion na minsan, nasa work ka, nasa set ka, 'tapos you’re with someone you’re really close with. We talk about it na imbes na maging weakness namin iyon, I think we both agreed na we should use it as strength sa set,” paglilinaw ni Mikee sa struggles at mga hamon na tinutukoy ni Paul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At least, dalawa kaming nag-iisip kung anong puwedeng… paano pagagandahin yung characters at mas buhayin sina Leopoldo at Carmen sa aming dalawa.

“Gusto naming hindi makita sa mga eksena yung Mikee at Paul. Basta gusto namin na makita nila sina Carmen at Leopoldo,” dagdag na pahayag ni Mikee tungkol kina Leopoldo at Carmen, ang pangalan ng mga karakter na ginagampanan nila sa The Flower Sisters.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Challenge para sa magkasintahang Paul Salas at Mikee Quintos ang gumanap sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters dahil sa anila'y "confusion" na nararamdaman nila kanilang roles.
PHOTO/S: @paulandre.salas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results