PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Billy Crawford continues to wow "Danse avec les stars" judges

Billy Crawford, iniintrigang paborito umano ng judges.
by Jojo Gabinete
Published Oct 15, 2022
bily crawford fauve hautot
Muling nakakuha ng pinakamataas na marka ang Pinoy singer/dancer/host na si Billy Crawford at ang kanyang dance partner na si Fauve Hautoto mula sa mga hurado sa October 14, 2022 episode ng Danse avec les stars (Dancing With The Stars), ang sikat na dance competition TV show sa France.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Si Billy Crawford at ang kanyang kapareha, ang French dancer at choreographer na si Fauve Hautot, ang muling nakakuha ng pinakamataas na marka mula sa mga hurado sa October 14, 2022 episode ng Danse avec les stars (Dancing With The Stars), ang sikat na dance competition TV show sa France.

Tulad ng mga nakaraang episodes ng Danse avec les stars, standing ovation ang tinanggap nina Billy at Fauve mula sa mga hurado dahil sa kanilang mahusay na pagsasayaw, kahit hindi nila alam ang tugtog na gagamitin.

Mabigat ang hamon sa mga contestant ng programa dahil gumawa sila ng sariling choreography at isang linggong nag-ensayo ng sayaw.

Pero malalaman lang nila ang tugtog na gagamitin, labinlimang (15) minuto bago ang kanilang live TV performance.

"With flying colors" na nalampasan nina Billy at Fauve ang hamon dahil bumagay sa Samba choreography nila ang surprise music na ibinigay sa kanila, ang "Everybody," ang hit song ng American boy band na Backstreet Boys noong 1997.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Review ng isang French entertainment website tungkol sa ipinamalas ni Billy na talento sa pagsasayaw: “It was the perfect combination to be sent back more than twenty years.

"This Friday evening, October 14, on the occasion of the sixth prime of Dancing with the Stars, season 12, Billy Crawford once again shone, carried by a hit that smelled good of the 1990s: 'Everybody' by the Backstreet Boys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Indeed, while the candidates still in the running had worked on their choreography blind and discovered the song to which they were going to dance only a few minutes before going on stage, the Filipino singer and his partner Fauve Hautot had the pleasure of coming across a song that suited them perfectly.”

Sa kabilang banda, may ilang French netizens na iniintriga si Billy.

Inaakusahan nila itong paborito ng mga hurado ng Danse avec les stars dahil mula nang mag-umpisa ang programa, ang Filipino entertainment personality ang pinupuri ng televiewers at nakakatanggap ng pinakamataas na score.

May mga naniniwalang siya ang tatanghaling grand champion sa final show na magaganap sa susunod na buwan.

Hindi rin ligtas sa mga intriga si Fauve dahil sa paratang na sinasadyang bigyan siya ng magaling sumayaw na kapareha, gaya ni Billy, kaya silang dalawa ang nangunguna buhat nang magsimula ang kumpetisyon noong September 9, 2022.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

billy crawford fauve hautot

Kung magsasaliksik na mabuti ang detractors ni Billy, malalaman nilang bukod sa mahusay sumayaw, hasang-hasa siya sa pagtatanghal dahil malaki ang naitulong sa kanya ng That’s Entertainment, ang sikat na youth-oriented show sa Pilipinas noong 1986 hanggang 1996.

Apat na taong gulang lamang si Billy nang maging mainstay ito ng That’s Entertainment kaya siya ang pinakabatang miyembro ng programa na nilikha ng pumanaw na star builder at television host na si German Moreno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling nakakuha ng pinakamataas na marka ang Pinoy singer/dancer/host na si Billy Crawford at ang kanyang dance partner na si Fauve Hautoto mula sa mga hurado sa October 14, 2022 episode ng Danse avec les stars (Dancing With The Stars), ang sikat na dance competition TV show sa France.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results