PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Gonzaga's Shopee endorsement becomes trending topic

Shopee, naglabas ng statement kaugnay ng pagti-trend ng "Bye Shopee."
by Jojo Gabinete
Published Sep 29, 2022
toni gonzaga shopee
Naglabas ng statement ang Shopee kaugnay ng pagti-trend sa Twitter ng "Bye Shopee" matapos ianunsiyo na ang actress-TV host at BBM supporter na si Toni Gonzaga ang bagong ambassador ng e-commerce company.
PHOTO/S: Screen grab from Shopee

Ang actress-TV host na si Toni Gonzaga ang bagong ambassador ng e-commerce company na Shopee.

Trending ngayon sa social media ang "#ByeShopee" na pinangungunahan ng mga kritiko ni Toni na hindi matanggap na siya ang celebrity ambassador ng Shopee.

Si Toni ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nagkaroon ng kontrobersiya ang pagkuha kay Toni bilang bagong endorser matapos itong bigyan ng kulay-pulitika ng ilan nating mga kababayan, na ibang kandidato ang sinuportahan noong nakaraang eleksyon.

Ipinunto rin ng ilan na hindi makatarungan ang pagtatanggal umano ng Shopee ng daan-daang manggagawa nila para lamang makuha ang serbisyo ni Toni, na tiyak daw na milyun-milyon ang talent fee.

toni gonzaga tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

toni gonzaga tweet

toni gonzaga tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang veteran actor na si Jaime Fabregas, na popular search din ang pangalan ngayong sa social media, ang naging mukha ng "#ByeShopee" dahil sa kanyang tweet kahapon, September 28, 2022.

Tila pahiwatig ito sa pagpili kay Toni bilang endorser ng nasabing kumpanya.

Si Jaime ay tagasuporta ng dating Vice President Leni Robredo.

Tweet ni Jaime: “I have deleted my Shopee account. Matagal ko nang gustong gawin dahil sa gastos pero ngayon nagkaroon ng mas malalim na dahilan.”

jaime fabregas tweet

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinuportahan ito ng mga naniniwala sa kanyang political convictions:

jaime fabregas tweet

jaime fabregas tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

jaime fabregas tweet

Pero tumanggap din siya ng mga batikos mula sa mga supporter ni Toni at sa mga online seller sa Shopee.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

toni gonzaga tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

jaime fabregas tweet

jaime fabregas tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

jaime fabregas tweet

Nalulungkot ang ilang Filipino online sellers ng Shopee dahil nadadamay at puwedeng maapektuhan ang kanilang mga kabuhayan sa mga isyung wala silang kinalaman na hinahaluan ng pulitika.

Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa isang online seller na “preferred seller” ang kategorya.

Ayon sa kanya, hindi kawalan sa Shopee ang mga kagaya ni Jaime dahil marami ang tumatangkilik sa nabanggit na e-commerce company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Preferred seller ang tawag sa Shopee sellers na binibigyan ng mataas na ratings ng mga consumer dahil pulido ang mga produkto nila na marami ang bumibili at mahusay ang kanilang ibinibigay na serbisyo.

SHOPEE STATEMENT

Kaugnay ng isyung ito, naglabas ng opisyal na pahayag ang Shopee.

Nakasaad dito: "Shopee is committed to providing its users with an enjoyable shopping experience on the platform.

"We are extending the same level of commitment to our valued users with 10.10 Brands Festival through mas mura brand deals up to 50% off, back-to-back Super Brand Days, and our new brand ambassador Toni Gonzaga.

"Together with our newest Brand Ambassador, Toni, we are working to deliver entertaining content to drive anticipation leading up to the upcoming 10.10 Brands Festival."

Idinagdag din ng Shopee na kinuha nila si Toni bilang endorser dahil sa "mass appeal" nito at hindi dahil sa paniniwala nito sa politika.

Nilinaw rin ng kompanya na ang mga dati nilang brand ambassadors ay mula sa magkakaibang political affiliations, gaya nina Kris Aquino at Manny Pacquiao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglabas ng statement ang Shopee kaugnay ng pagti-trend sa Twitter ng "Bye Shopee" matapos ianunsiyo na ang actress-TV host at BBM supporter na si Toni Gonzaga ang bagong ambassador ng e-commerce company.
PHOTO/S: Screen grab from Shopee
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results