Magarbong birthday celebration ang pangarap ng isang showbiz personality para sa kaarawan nito, tulad ng malaking venue, magagandang birthday souvenirs, at marami ang bilang ng mga imbitadong bisita.
Isa lang ang problema: walang sapat na budget ang showbiz personality para matupad ang kanyang dream birthday celebration kaya naghahanap siya ng mga sponsor.
Ang event organizer ang namumroblema dahil nahihirapan siyang maghanap ng mga sponsor para sa magarbong birthday party na nais mangyari ng showbiz personality.
Pero dapat maging mulat sa katotohanan ang showbiz personality na hindi pa tapos ang pandemya at tumataas ang presyo ng lahat ng mga bilihin kaya nagtitipid ang lahat.
Dapat payuhan ang showbiz personality na puwedeng-puwede niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan na wala siyang mga tao na inaabala at hinihingan ng pabor.
Kailangan ding ipamukha sa showbiz personality na dapat na gumastos ito ng naaayon sa kanyang kakayahan at hawak na budget.
Pero kung talagang ayaw magpaawat ng showbiz personality na matayog ang ambisyon, humingi na lamang siya ng payo mula sa isang young actress na matagumpay ang pagdiriwang ng kaarawan dahil ginamit ang iba’t ibang social media platforms sa panghihingi ng mga kontribusyon at donasyon.