PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Burmese beauty queen Han Lay stays in Thailand

Aarestuhin si Han Lay sa Myanmar pagbalik nito roon.
by Jojo Gabinete
Published Sep 24, 2022
Miss Myanmar Han Lay
Mananatili muna sa Suvarnabhumi Airport sa Thailand si Miss Myanmar Han Lay habang hinihintay ang desisyon ng pag-apila niya sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNCHR).
PHOTO/S: Facebook

Nakakahinga na nang maluwag ang former beauty queen na si Thaw Nandar Aung aka Han Lay dahil hindi na siya pababalikin sa Myanmar.

Si Han Lay ang kinatawan ng Myanmar sa 8th Miss Grand International na ginanap sa Bangkok, Thailand, noong March 2020 at sa kanyang privilege speech, nagsalita siya laban sa pamamalakad ng military junta sa kanyang bansa.

Kabilang ang mga Pilipino sa mga nagbunyi sa pagsisiwalat na ginawa ni Han Lay sa entablado ng Miss Grand International tungkol sa mga karahasan na nagaganap sa Myanmar buhat nang mangyari ang miltary coup noong February 1, 2021.

Hindi ikinatuwa ng military junta sa Myanmar ang ginawa ni Han Lay kaya't agad na naglabas ito ng arrest warrant laban sa kanya.

Hindi na bumalik si Han Lay sa Myanmar at nanatili na lamang sa Bangkok para sa sariling kaligtasan pero nagkaroon ng problema nang pumunta siya kamakailan sa Vietnam.

Sa kanyang pagbabalik sa Thailand noong Miyerkules, September 21, hindi na pinapasok si Han Lay ng immigration authorities dahil sa problema sa kanyang Myanmar passport at nagkaroon ng posibilidad na i-deport siya pabalik sa sariling bansa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw ni Han Lay na bumalik sa Myanmar kaya pinili niya na manatili sa Suvarnabhumi airport ng Thailand at umapela sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNCHR) na tulungan siya sa kanyang problema.

Nagbunga ng maganda ang panawagan ni Han Lay dahil sa panayam sa kanya ng Bangkok Post, sinabi niya na hindi na siya pababalikin sa Myanmar ng Thai government.

“They have agreed they will not send me back to Myanmar.

“Before today, I was a bit scared. It is because I do not want to go back to my country. Now everyone is supporting me. I’ve got support from different countries too.

“And Thailand will not send me back, I’m very appreciative of that, so thank you to Thailand too… It feels like home living in Thailand,” ang pahayag ni Han Lay

Hindi pa nito masabi kung hanggang kailan siya mamamalagi sa Suvarnabhumi international airport dahil hinihintay pa niya ang desisyon ng UNHCR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mananatili muna sa Suvarnabhumi Airport sa Thailand si Miss Myanmar Han Lay habang hinihintay ang desisyon ng pag-apila niya sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNCHR).
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results