PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anak ng showbiz personality, sigurado na ang magandang kinabukasan

Pangalan ng mga karakter ng showbiz personality, hango sa mga mahal niya sa buhay.
by Jojo Gabinete
Published Aug 30, 2022
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

May mga letrang O at P ang pangalan ng anak ng controversial showbiz personality na pagpapatunay ng malaking pagpapahalaga niya sa mga miyembro ng kanyang pamilya.

Mapagmahal sa mga kamag-anak ang showbiz personality dahil bilang pagbibigay-pugay, may mga pagkakataong galing mula sa pangalan ng mga kapamilya niya ang pangalan ng kanyang mga karakter na ginagampanan sa telebisyon at mga pelikula.

Tiyak na ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng anak ng showbiz personality dahil bukod sa mapagmahal at maasikaso ito, naging masinop siya sa paggastos sa perang matiyaga niyang inipon at pinalago.

Nang magdesisyon ang showbiz personality na pasukin ang kanyang kasalukuyang propesyon, alam niyang hindi matatag na trabaho ang pagiging artista kaya nagsumikap at nag-ipon siya.

Iningatan ding mabuti ng showbiz personality ang personal na buhay nito.

Sa ngayon, epektibo ang kanyang mga ginagawa dahil napatunayan niyang kahit itinuturing na public property ang mga artista, puwedeng-puwede silang magkaroon ng pribadong pamumuhay kung gugustuhin nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results