Nang pumirma ng kontrata si Willie Revillame sa AMBS 2 noong July 15, 2022, nabanggit niyang magsisimula ang operasyon ng kanyang bagong home studio bago mag-Pasko.
Read: AMBS 2 launch moved from September to October
Pero malaki ang posibilidad na mapaaga ang pagbubukas ng TV network na pag-aari ni former Senate President Manny Villar at magkakaroon ng opisyal na pahayag ang management sa mga susunod na araw.
Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline
Sinabi ni Willie na nakatuon ang atensiyon at panahon nila sa pag-uumpisa ng AMBS 2 kaya hindi sila apektado at walang nararamdamang pressure sa pagsasanib-puwersa ng ibang mga television network, partikular na ang ABS-CBN at TV5.
Read: TV5 and ABS-CBN landmark deal is now official
Pahayag ng veteran TV host, “Ang concentration namin, mabuo [ang mga programa ng AMBS 2] so walang pressure.
"Yung competition, wala. Wala naman kaming ilalaban, wala pa kaming artista, wala kaming teleserye.
“We have the network. We have the analog, we have the digital. Yun ang pinakaimportante, yung reach ng AMBS.
"So, hindi ko iniisip ang competition right now. Ang iniisip namin, mabuo, makakuha ng maraming tao, makakuha ng tamang artista para sa AMBS."
Ibinalita ni Willie ang live show ng Wowowin: Tutok To Win na magaganap sa Coron Municipal Plaza sa Coron, Palawan, sa August 28.
Makakasama ni Willie sa pagbibigay ng saya sa mga kababayan natin sa Coron sina Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol, Katrina Velarde, Janine Teñoso, Donita Nose, at Boobsie Wonderland.

Si Coron Mayor Marjo Reyes ang nag-imbita kay Willie na dalhin sa kanilang bayan ang Wowowin.
Hindi natanggihan ni Willie ang imbitasyon ni Mayor Reyes dahil sa kagustuhan niyang mapasaya ang mga kababayan at katutubo natin sa Coron, kahit abala siya sa pagtutok sa pagtatayo ng Wowowin studio sa Star Mall sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Read: Tatlong sinehan ng Starmall, gagawing studios ng AMBS
Ang Wowowin show sa Coron ang pagbabalik ni Herlene sa naturang programa matapos niyang manalong first runner-up sa 58th Binibining Pilipinas noong July 31, 2022.
Malaki ang utang na loob ni Herlene kay Willie dahil ito ang nagbigay sa kanya ng break sa showbiz bilang co-host ng Wowowin.
Read: Herlene Budol, tinawagan ni Willie Revillame nang makapasok siya sa Binibining Pilipinas 2022